Sa taas ng halaga ng kuryente sa bansa, BNPP napapanahon nang buksan

DSC00466DSC00467DSC00470

Morong, Bataan-NAPAPANAHON nang buksan ang kontrobersyal na Bataan Nuclear Power Plant dahil sa taas ng halaga ng kuryente sa bansa at di na kaya ng ating mga coal plants na tustusan ang pangangailangan ng bayan sa enerhiya.

Kamakailan ay nagtungo ang www.diaryongtagalog.net kasama ang apat na mga dalubhasang hapones buhat sa Japan Atomic Energy Agency (JAEA), isang tanggapan sa kanilang bansa na hindi katulad ng United Nations-International Atomic Energy Agency (IAEA-UN) kundi gaya lang ng Philippine Nuclear Research Institute ng Department of Science and Technology (PNRI-DOST) ng Pilipinas.

DSC00468DSC00469DSC00475

Kilala ang enerhiyang nukleyar sa buong mundo na nakalutas ng mga suliranin sa enerhiya ng ilang mga malalaki at mayamang bansa sa Europa, Amerika at Asya kaya nuong panahon ng Pangulong Ferdinand E. Marcos ay itinayo ang Philippine Nuclear Plant Unit 1 sa bayang ito na ngayon ay bantog na Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) na pinangangasiwaan ng National Power Corporation (NPC)na pinangungunahan ng kanilang “kauna unahang babaeng Pangulo” na si Ms. Gladys Sta. Rita.

DSC00480DSC00479DSC00481

Sa pagbisita ng www.diaryongtagalog.net sa planta, nakita ang maayos na kalagayan ng gusali at ang mga safety at security measures na ginagawa ng NPC duon sa kabila ng naka tengga ito at hindi pinaa andar. Karagdagang supply ng kuryente sana ang maaring maitulong nito sa bayan sakaling napa andar ito. Naibenta na sa Siemens ang uranium oxide nitong fuel nuong panahon ni Pangulong Corazon Aquino hudyat na wala talagang hangaring paandarin ito nuon.

DSC00488DSC00491DSC00493

Nuong panahon ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay nabayaran na ang pagkakautang nito sa Westinghouse Corporation, ang gumawa ng planta at sinasabing gusto na ni PGMA na buksan na nga ang planta upang makatulong sa kakulangan ng bayan sa kuryente at di na maranasan ang halos 24 oras na brownout nuong panahon ni Pangulong Fidel Ramos dahil naranasan ng bansa ang energy crisis.

DSC00497DSC00492DSC00490

Nagsilbing guide sa pagpunta ng www.diaryongtagalog.net sa BNPP si Mauro L. Marcelo Jr., Department Manager ng Asset Preservation Department, RMS ng National Power Corporation kasama sina Yukiko Yabuuchi, Nuclear Human Resources Development Center, International Nuclear HRD Group ng Japan Atomic Energy Agancy at sina Kazuhiro Shigemoto, Dr. Kazuyuki Nakamura at Makoto Sawada ang tatlo pang mga dalubhasang Hapones sa nukleyar.  (jane balaguer)

 

DSC00483