16 institusyon pinarangalan ng SSS sa 2015 Balikat ng Bayan Awards; Operasyon sa Tuhod sinasagot ng PHILHEALTH at 53th Anibersaryo ng METROBANK Foundation Pinarangalan ang mga Dakilang Sundalo, Guro at Pulis

Pinarangalan ng Social Security System (SSS) ang 16 institusyon sa 2015 Balikat ng Bayan Awards bilang pagkilala sa kanilang natatanging kontribusyon sa pagbibigay ng social security protection sa mga mangagawang Pilipino at pagsuporta sa SSS sa pagpapalawig ng serbisyo nito sa loob at labas ng bansa.

 Ayon kay Balikat ng Bayan Awards Committee Chairman at Senior Vice-President Judy Frances A. See ay 10 kumpanya ang itinanghal na national winners kabilang ang tatlong pinakamahuhusay na bangko na binigyan ng plake.  Anim na organisasyon ang tumanggap ng special citations. Ginanap ang awarding ceremony sa SSS main office sa Quezon City noong September 18.

“Taon-taon, binibigyan namin ng parangal ang mga institusyon at organisasyon na may mahalagang naiambag para matupad ng SSS ang mandato nito. Malaki ang aming pasasalamat sa kanilang patuloy na suporta pamamagitan ng pagsunod at pagtupad mga patakaran alinsunod sa SS Law,” dagdag ni See.

Ang Best Collecting Thrift Bank ay iginawad sa RCBC Savings Bank na siya ring nakatanggap ng Balikat ng Bayan Hall of Fame award dahil nanalo na ito sa parehong kategorya sa loob ng nakaraang limang taon. Ganito din ang parangal na tinanggap ng Bank of the Philippine Islands (BPI) at One Network Bank, Inc. (ONB) na nag-uwi ng dalawang (2) Balikat ng Bayan awards ngayong taon.

Iginawad ng SSS ang Top Employer Award for Large Account sa National Book Store (NBS), isang kilalang retail chain ng mga libro at office supplies samantalang Top Employer for Small/ Medium Account naman ang Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce & Industry (FFCCII), isang asosasyon ng mga negosyante na sumusuporta sa pag-unlad ng Pilipinas.

“Ang dalawang national Top Employers – ang NBS at FFCCII – ay dalawa sa pinakamahusay na employer na sumusunod sa Social Security Law. Regular nilang ipinagbabayad ng kontribusyon at ipinapasok sa SSS ang loan payments ng kanilang mga empleyado kasunod ang pag-sumite ng collection at payment reports”, ayon kay See.

Para sa Best Collection Partners, hinirang ang Bank of the Philippine Islands (BPI) bilang Best Commercial Bank, RCBC Savings Bank bilang Best Thrift Bank, ONB bilang Best Rural Bank.  Ang CIS Bayad Center, Inc. naman ang Best Non-OFW Collecting Partner, at Ventaja International Corporation ang Best OFW Collecting Partner. Sila ang mga pangunahing collecting partners ng SSS na tumatanggap ng kontribusyon at bayad sa salary loan ng mga miyembro.

Para sa Best Paying Partners, iginawad ng SSS sa BPI ang Best Commercial Bank, Philippine Savings Bank bilang Best Thrift Bank, at ONB ang Best Rural Bank. Sila ang mga bangkong pinakamabilis at maagang nagbibigay ng buwanang pensyon sa mga SSS pensioners.

Dagdag pa ni See ay kinilala din ng SSS ang mga midya na patuloy na sumusuporta sa pagbibigay ng impormasyon sa publiko tungkol sa iba’t-ibang programa ng SSS. Ang Best Media Partners ng 2015 ay parehong mula sa Davao City. Ito ang “Jet Connect: Inyong SSS” na mapapanood sa Sky Cable Davao para sa broadcast category at ang kolum na “Dangpanan” ni Rhona Goc-ong Villariasa ng Sun Star Davao Superbalita para sa print category.

“Ginawaran din ng special citations ang Philippine National Bank  bilang paying commercial bank at Business Mirror bilang media partner for print, at Simbag sa Pag-Asenso,Inc. (SEDP) bilang accredited collecting and servicing partner agent,” dagdag ni See.

Ang iba pang tumanggap ng special citations ay ang Quezon City Government-Office of the Vice Mayor at ang Villa Cristina Verdan Rey Villeco Camella Manuela Tricycle Operators and Drivers Association para sa kanilang AlkanSSSya Program. Kasama rin dito ang International Labour Organization (ILO) na nagbigay ng subsidiya para sa mga manggagawang naapektuhan ng bagyong Yolanda.

Ang Balikat ng Bayan Awards ay sinimulan noong 1995 bilang pasasalamat at pagkilala sa mga natatanging indibidwal at organisasyon na patuloy na tumatangkilik sa mga programa at misyon ng ahensiya.  Ang awarding ceremony ay isa sa mga tampok na programa sa pagdiriwang ng ika-58 anibersaryo ng SSS ngayong Setyembre. Kinomisyon ng SSS si Dr. Antonio Raymundo, isang tanyag na iskultor para sa disenyo at konsepto ng plake na iginawad sa mga nanalo. (padalang impormasyon buhat sa Social Security System)

my philhealth portal

 

 

Isa sa pinaka mahal na bahagi ng katawan ang ating mga tuhod at mga kagamitang ginagamit upang I repair, palitan at iayos ito ay lubhang napakamahal din. Sa isang interview na isinagawa ng www.diaryongtagalog.net sa isang U.S based na doctor, isang balik-scientist na inimbita ng DOST sabi niya ay hindi raw sakop ng PHILHEALTH ang mga gastusin sa treatment ng isa sa masasabi nating pinaka mahal na orthopedic surgery, ang pagre repair o pagpalit ng tuhod.

Ilang mga kilala at sikat na tao na nga sa bansa gaya ni Pangulong Joseph Estrada ang nangibambansa pa upang magpa gamot ng kanyang tuhod, sa bansa isinusulong ang Medical Tourism na ibig sabihin ay hinihikayat ang mga dayuhan na sa Pilipinas na magpagamot ng kanilang mga karamdaman dahil tunay nga na magagaling ang ating mga pagamutan at mga doctor.

Sa pulong balitaan ng Philippine Health Insurance Corporation o PHILHEALTH sa marco polo hotel dumalo ang www.diaryongtagalog.net kasabay ng paglulunsad ng kanilang “My PHILHEALTH Portal” at dahil nga sa curiousity sa dati nang interbyu na iyon ay tinanong ng pahayagan ang PHILHEALTH tungkol sa isyu at sinagot ito ni DR. Israel Paragas, ang communications chief ng ahensya na nagwikang sinasagot nila ang gastusin sa nasabing orthopedic surgery, mula umano sa implants, mga turnilyo at iba pang gagamitin sa procedure ay sinasagot din.

Kaya nga tunay na it’s more fun in the Philippines di lang sa mga dayuhan na mag a avail ng medical tourism at magpapagamot ng kanilang tuhod sa mga ospital dito sa Pilipinas kundi pati mga kapwa natin Pinoy na walang ikakayang pinansyal pagkat layunin ng Universal Healthcare ang matugunan ang suliraning pangkalusugan ng mamamayan maging mayaman man o mahirap.///Michael Balaguer

metrobank foundation

Samantala, Sa okasyon ng Ika-53 anibersaryo ng Metrobank Foundation Inc (MBFI)kinilala sa taong ito ang mga nagwagi sa “Search for Otstanding Teachers (SOT), The Outstanding Philippine Soldiers (TOPS) at Country’s Outstanding Police Officers in Service (COPS).

Ginanap nitong Ika-3 ng Setyembre 2015 sa Metrobank Plaza Auditorium sa Makati ang seremonya ng paggawad nang parangal at ang nagsilbing panauhing pandangal ay si Senate President Franklin Drilon kasama ang piling opisyales ng gobyerno, negosyo, akademya at dilomatiko.

Tinaguriang “Metrobank Foundation Outstanding Filipino” ang mga katangi-tanging Guro, Sundalo at opisyal ng Pulisya, pinarangalan sila dahilan sa kanilang commitment to excellence, dediksyon sa paglilingkod at selfless na pagtulong sa komunidad sa kabila nang mga balakid.

Ang “Metrobank Foundation Outstanding Philippine Soldiers” ay kinabibilangan ng Apat na Commissioned Officers at anim na Non-Commissioned Officers buhat sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na kinabibilangan nina Colonel Danilo G. Pamonag, PA ng Philippine Army, Master Sergeant Arnel G. Cariaga, PA muli ng Philippine Army at Master Sergeant Ferdinand C. Lascano, PA uli ng Philippine Army samantala, Colonel Ariel R. Caculitan PN (M), Technical Sergeant Romel B. Bancairin PN (M), at Disbursing Clerk 3rd Class Dennis L. Gurrea PN mula sa Philippine Navy at Colonel Maxima o. Ignacio PAF, Senior Master Sergeant Romeo C. Austria PAF at Technical Sergeant Adriano L. Reginales Jr. PAF ay mga naparangalan buhat naman sa Philippine Air Force at sa huli ay sina  Technical Administrative Services Major Jonna D. Dalagit from the Medical Corps ang buuo sa ma pinarangalan sa TOPS.

Sa “2015 Merobank Foundation Outstanding Teachers” naman ay kinabibilangan ng apat n guro sa elementarya, apat na guro pa sa haiskul at dalawa sa kolehiyo. Ang mga ito ay sina

Propesor Regie F. Palmos ng West Visayas State University sa Iloilo City, Benjamin M. Castro ng Francisco Benitez Elementary School na nsa Tondo Maynila, Amcy M. Esteban ng Legarda Elementary Schoo sa Sampaloc Maynila at Irene G. Dela Cruz mula sa Carmona Elementary School sa Carmona Cavite, sila ang mga nagwagi sa kumpetisyon pang elementarya.

Sina Ronaldo C. Reyes n Tabaco National High School sa Tabaco City, Dr. Myrna B. Libutaque n Philippine Science High School-Western Visayas Campus s Iloilo City, Milagros C. Banan ng Ernesto Rondon High School ng Quezon City at Ernani S. Fernandez Jr. ng Palo Nation High School sa Palo Leyte an mg nabigyan ng parangal sa bahagi naman ng haiskul.

Sina Thomas Edison E. DEla Cruz ng University of Santo Tomas at Dr. Analyn Salvador-Amores ng University of the Philippines Baguio City ang mga pinarangalan sa bahagi naman ng kolehiyo, kabilang sila sa 336 natatanging guro na kinilala ng Metrobank Foundation mula pa nuong 1985.

Propesor Regie F. Palmos ng West Visayas State University sa Iloilo City, Benjamin M. Castro ng Francisco Benitez Elementary School na nsa Tondo Maynila, Amcy M. Esteban ng Legarda Elementary Schoo sa Sampaloc Maynila at Irene G. Dela Cruz mula sa Carmona Elementary School sa Carmona Cavite, sila ang mga nagwagi sa kumpetisyon pang elementarya.

Sina Ronaldo C. Reyes n Tabaco National High School sa Tabaco City, Dr. Myrna B. Libutaque n Philippine Science High School-Western Visayas Campus s Iloilo City, Milagros C. Banan ng Ernesto Rondon High School ng Quezon City at