
FOOD, NUTRITION, HEALTH AND SAFETY
NITONG nakaraang May 17, 2022 ay ginanap ang isang makabuluhang birtwal na seminar ukol sa ilang napaka importanteng mga bagay kabilang ang pagkain, nutrisyon, kalusugan at kaligtasan.
Nagsama sama ang mga institusyon sa ilalim ng Department of Science and Technology (DOST) kabilang ang Industrial Technology Development Institute (ITDI), Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD) atbp. bilang pagharap sa hamon ng makabagong panahon.
Sa kabila ng tila normal na ang buhay at lipunan ay hindi maikakailang nasa kalagayan pa tayo ng pandemya at ang COVID-19 virus at naryan lamang at nag aambang maminsala kaya kailangan ang kagyat na paghahanda upang kung matamaan man ay hindi gaanong iindahin ng lipunan at hindi na mauulit ang mga lockdown na lubhang nakaa apekto sa ekonomiya at kalusugan.
Kabilang sa mga tagapagsalita ay mga pinuno ng mga ahensyang gaya ni DR. Jaime Montoya ng PCHRD at Dr. Anabelle Briones ng ITDI kasama ang maraming mga dalubhasa sa kani-kanilang mga disiplina na nakipagtalastasan tungkol sa mga isyung may kinalaman sa pagkain, nutrisyon, kalusugan at kaligtasan.///Michael balaguer, 09262261791, michaelbalaguer@yahoo.co.uk at konekted@diaryongtagalog.net
