Pagpapahinto sa epidemya ng HIV sa bansa ginunita kabilang ang ilang mambabatas

HOR, Quezon City- GINUNITA ng mga non-government organization at anti HIV advocate ang patuloy na pakikibaka ng pinoy sa human immunodeficiency virus na nagdudulot ng acquired immune deficiency syndrome kasama ang ilang mambabatas sa mababang kapulungan ng kongreso kamakailan.

Kabilang sa mga nagbigay ng kanyang suporta sa sector ng Lesbians Gays Bisexuals and Transgender (LGBT) sa kanyang distrito sa Cavite ayon sa kanya ay si Representative Lani Mercado-Revilla, butihing maybahay ni Senador Ramon Bong Revilla Jr.

Naging bahagi rin ng nasabing aktibidad ay ang mga grupong United Nations Development Program (UNDP), UNAIDS, PLCPD at pamahalaang lokal ng lungsod Quezon.

Sa naging panayam ng www.diaryongtagalog.net sa mambabatas sinabi niyang marami silang mga programa upang iangat ang kabuhayan ng nasabing sector gayundin ay mapangalagaan ang kalusugan ng mga ito lalo sa mapaminsalang HIV at ang mga kasagutan sa ilang katanungang itinanong sa kanya ng pahayagan ay mapapanood sa video. (Jane Balaguer)