Pagpapasinaya ng Philippine–Korea Technological and Cooperative Center Isinagawa kasama ang TESDA, PVAO at Korean Ambassador

 tesda joel villanueva

Pinasinayaan ang isang gusalipagdarausan ng mga pagsasanay na inaasahang makatutulong upang mahasa ang mga Pilipinong sa pag aaral ng mga bagong kaalaman at kasanayan ukol sa gaming, animation at software development pati Korean Language.

 

 

Pinangunahan ito ni Technical Education and Skills Development Authority Director General Emmanuel Joel Villanueva bilang representante ng Pangulong Benigno S. Aquino III sa nasabing pagtitipon na siyang magsisilbing pangunang tagapagsalita.

pvao image

Ginanap ang nasabing inagurasyon sa Philippine-Korea Friendship Center sa kahabaan ng Bayani Road Taguig City nitong Nov 7 2013 kasama ang ibang stakeholders gaya ng mga Korean Veterans at ilang mga kaanak nila kabilang rin ang Philipppine Army, Department of National Defense at ang Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) sa pangunguna PVAO Administrator LTGEN Ernesto G. Carolina na nakapanayam ng www.diaryongtagalog.net sa video na nagbahagi ng kanyang mensahe ukol sa pagpapasinaya.

 

 

Samantala, dahil sa Embahada ng Republika ng Korea ginanap ang nasabing pagpapasinaya ay naroon rin at naki saksi si H.E Lee Hyuk, Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary ng Republic of Korea (south Korea) sa Pilipinas na may mensahe sa video.

 

 

Ang gusali o ang PKTCC ay isang apat na palapag na istruktura na matatagpuan sa isang 5,000 metro kwadradong lote na ibinahagi ng Department of National Defense, ito ay isang tanda ng matatag na bilateral relation ng Pilipinas at Korea na halos 60 taon na mula pa nuong 1949. Ang proyekto ay pinondohan ng KOICA o ang Korean International Cooperation Agency kabalikat ang Department of National Defense sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) at TESDA.

ambassador lee hyuk korean

Layunin ng nasabing gusali ay magsilbing isang multi function center na tututok sa Human Resources Development, pagpapaibayo ng mga pagtuturo ng kakayahang teknikal ng mga Pinoy ito rin ay maaring magsilbing venue ng pagpapalitan ng kultura at pag aaral tungo sa pagtutulungan at pagkakaibigan ng Korea at Pilipinas. (Michael Balaguer)