Pagpapatibay ng bakal 7 milyong pisong puhunan inilunsad ng PCIEERD, pagtutulungan ng DOLE, DOST atbp sa convergence program ng gobyerno at English Proficiency kailangan pa sa non-voice BPO

 

 

Taguig City, Pilipinas-Isang mahalagang sangkap sa pag unlad ng sibilisasyon ng tao ang kanyang pagkakatuklas sa maraming gamit ng bakal. Sinasabing kung hindi natuklasan ng tao ang mahalagang gamit ng apoy, kaakibat nito ang pagtunaw at pagmolde sa bakal ay di aabot ang ating sibilisasyon sa tinatamasa nitong kinang at antas.

Bunsod nito ay samut-sari na ang kaparaanan upang mapanatili na malusog ang industriyang ito na may halagang multi milyong dolyar. Kamakailan ay inilunsad sa Metals Industry Research and Development Center (MIRDC) sa pakikipagtulungan ng Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development  (PCIEERD) ng Department of Science and Technology (DOST) ang imbensyon ni Dr. Henry Ramos ng National Institute of Physics ng University of the Philippines Diliman.

Halagang 7 milyong piso ang unit na ginawa sa MIRDC, ang mga bakal na may coat na Titanium Nitride ay mas matibay kaysa ordinaryong bakal na magagamit sa ibat ibang aplikasyon gaya ng pagpapatibay at pagpapatalim ng mga drill bit at lagari o iba pang industrial cutting and drilling tool.

Kumpiyansa si Dr. ramos na sa tagal ng kanyang ipinag antay na mai commercialized ang kanyang likha ay ngayon ito mabibigyan ng katuparan sa pamamagitan ng DOST at ng adaptor ng kanyang imbensyon.

Sa Europa, ang tunay na nagpaunlad o nagpasigla sa ekonomiya ng mga europeo ay ang kanilang masigasig na pagtataguyod sa industriyalisasyon at hindi ang pagkontra rito. Sa ginagawang pagsusulong ng kagawaran ng agham at teknolohiya sa teknolohiya sa pangunguna ni PCIEERD Executive Director  Raul Sabularse, may magandang hinaharap ang industriya ng bakal sa bansa. (mike balaguer)

 

 

DSC01940

 

 

Quezon City, Pilipinas- Matagumpay na Naidaos ang Capacity Building on Productivity, Innovation and Enterprise Development Media Event na pinangunahan ng National Wages and Productivity Commission ng Department of Labor and Employment (NWPC-DOLE) sa pakikipagtulungan ng Temasek Foundation at Nanyang Polytechnic International of Singapore na ginanap nitong Ika-8 ng Abril ng taong ito (2014) alas 9 ng umaga sa Occupational Safety and Health Center, Diliman lungsod na ito.

Sa pagpapakilala ni Dir. Nicon Fameronag ng Labor Communications nagbigay ng kanyang pambungad na pananalita si Undersecretary Ciriaco A. Lagunzad III ng Social Protection and Labor Standards kasunod nito ang mga mensahe at presentasyon sa video ng Nanyang Polytechnic, Singapore Corporate Video Presentation, Temasek Foundation Corporate Video Presentation.

Nagsalita rin si Temasek Foundation Board Member Mr. Boon Hwee Ong at si DOLE Sec. Hon. Rosalinda Dimapilis-Baldoz kasunod ang audio visual presentation na pinamagatang “Learning Journey of Training Participants”, may mga Outcome Presentations din buhat kina Mr. Sir. Ritchie M. Romero, Pangulo ng RBest foods Corporation na pinamagatang “Senior Officials Visit Course” at Ms. Josefina Lucile C. dela Cruz, General Manager ng Ati-Atihan Festival Hostel and Conference Center na pinamagatang “Program Manager’s Course”.

Nagsilibing guro ng palatuntunan sina Director Nicon Fameronag at Jeanette T. Damo, OIC Deputy Executive Director sa open forum kung saan nakapagtanong ang mga participants. Nagsilbing pangkalahatang guro ng palatuntunan sina Atty. Jamie-lyn Jamias-Garcia at Mr. Kim Lagcao samantala kabilang ang nasabing aktibidad ang department of Science and Technology Regional Office 4 at National Capital Region sa pamamagitan nina DOST R4 Dir. Dr. Alexander Madrigal at DOST NCR Ms. Elvin Almanzar  bahagi ng convergence program ng mga ahensya ng gobyerno. Ayon kay Almazar ng DOST NCR and alam niyang magiging bahagi ng kagawaran ng agham sa nasabing aktibidad ay ang pagsasanay sa mga partisipante dahil maging mga kagamitan at tauhan ay dala ng na umano ng Temasek Foundation.

Kabilang sa mga partisipante buhat sa pribadong sektor na nakibahagi ay ang ati-Atihan Festival Hostel and Conference Center, Forgems Plus Technologies Corporation, Green Light Power Inc., nesabel Corporation, Pacific Carpet Manufacturing Corporation, Puyo Handicrafts, RBest Foods Corporation, Sarrosa International Hotel and Residence Suites, The Ritz Hotel At Garden Oases at Three Dimensional Packaging Corp. (mike balaguer)

Kaugnay nito,

 

 

 

 

Taguig City, Pilipnas- Kailangan pa nga talaga ang pagiging bihasa sa wikang di natin kinalakihan. Ito ang humigit kumulang bahagi ng ginawang panayam ng www.diaryongtagalog.net kay Ms.Yoda Buyco, marketing Director ng www.Jobstreet.com tungkol sa tema ng kanilang inorganisang pulong balitaan ukol sa mga naa ayong trabaho para sa mga bagong graduate sa taong ito na ginanap nitong Ika-7 ng Abril ng taong ito (2014) sa Bonicaio Global City lungsod na ito.

Nabanggit ng pahayagan ang nasabing tanong dahil sa isang kasagutang buhat sa una naming nakapanayam na director ng isang India-Based Business Process Outsourcing Company na ngayon ay may branch sa bansa at di kalayuan sa venue ng nasabing pulong balitaang kanilang inorganisa.

Ayon sa indial national na opisyal ng naturang kumpanya, kailangan ang English proficiency kung ang account na hahawakan ay voice account o yaong may mga kakausapin sa telepono na buhat sa ibayong dagat o mga kahalintulad nito pero kung pure technical naman o troubleshooting, network development at mga kahalintulad ng iba pang mga trabaho na di halos kailangang makipagtalastasan ng harapan at panay makina lamang ang kausap, hindi na gaano kailangan ang pagiging bihasa sa ingles.

Naitanong naming sa nasabing dayuhan ang ganoong tanong dahil sa kilala ang kanilang bansa gaya ng Pilipinas na English speaker at dati ay sila ang nangunguna sa voice BPO sa Asia ngunit ngayon na ang Pilipinas na ang numero uno sa voice BPO bunsod na rin sa ating pagiging mahusay sa wikang ingles.

Ayon naman kay Ms. Yoda Buyco hindi maaring ialis na karunungan ng wikang ingles sa trabaho voice o non voice BPO man ito dahil mas malaking bentahe pa rin sa mga mag a apply na hindi bihasa, mas malaki ang chance nilang matanggap sa trabaho kumpara sa hindi marunong bukod pa sa mas maraming kumpanya ang kumukuha ng kawani na marunong mag ingles kumpara sa hindi.

Ayon raw sa Personel Management Association of the Philippines iniri require sa mga bagong graduate na nag a apply sa mga kumpanya ang initiative, critical thinking at communication skills na sa pagkaka describe nila ay ang pagiging sanay o bihasa sa pagsasalita sa wikang ingles. (mike balaguer)