Pagtatapos ng taon sa PAGASA isang makabuluhang 2013, inilunsad ang PhST Jan 1-7, 2014

DSC00537

Lungsod Quezon, Pilipinas- Isang makabuluhang 2013 para sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang naging pagtatapos ng taon bagaman dinalaw ng napakaraming trahedya ang bansa.

Sa ginanap na year end party ng ahensyang kabilang sa kagawaran ng agham ipinakita ni Dr. Vicente Malano, kanilang Administrator ang mga naging kontribusyon ng ahensya sa Disaster Risk Reduction and Management lalo nitong nakaraang Super Typhoon Yolanda kung saan buhay ng isa sa kanilang kawani sa Tacloban ang nawala.

Mga bagong Doppler radars at karagdagang mga aparato upang maayos na matutukan ang pagtaya ng panahon at mga natural na kalamidad ang inaasahang magagamit sa taong 2014 ayon sa pahayag ni Malano sa kanyang presentasyon habang ang pagtutulungan ng Project NOAH at DREAM ay kasama pa rin ng ahensya sa lalong ika iigi ng pagtaya ng panahon.

Kaugnay nito ay ginanap rina ng paglulunsad ng Philippine Standard Time kung saan iisang oras na lamang ang susundin ng mga tanggapan ng pamahalaan at ng media lalo ang radio at telebisyon, ginanap ang sabayang pag set nitong bagong taon (jan 1) at ang mga aktibidad ay tatagal hanggang ika-7 2014 layunin ay maging tunay na on time ang pinoy. (Mike Balaguer)