pagte test ng plywood para matiyak ang kalidad sa merkado

bamboo

TESTING ang ginagawa nuon sa plywood bago ito ilabas sa merkado di
katulad ngayon na sunud-sunod ang produksyon na di inaalintana ang
kalidad lalo ang mga inangkat buhat China na kilalang low Quality.
Isang kilalang construction material ang plywood na likha buhat sa
pinagdikit-dikit na veneer at ipinakilala sa bansa nuong 1950’s.                       Nuon bago ilabas sa merkado ang plywood ay tine test muna ito at kapag
pumasa sa mga test ay lalagyan ng PS mark o Philippine Standard.
Muling itinalaga ng pamahalaan ang Department of Science and
Technology (DOST) sa pamamagitan ng kanilang Forest Product Resarch
and Development Institute (FPRDI) upang magtest ng mga produktong
buhat sa forest gaya ng kawayan  atbp                                                              Ngayon kabalikat ang Department of Trade and Industry- Bureau of Product Standards (DTI-BPS).
Upang makatiyak ang publiko ng de kalidad na mga materyales pang
konstruksyon gaya ng plywood, hinahaluan na ng agaham ang proseso ng
pagtest nito upang tunay na maging competitive sa pandaigdigang
pamilihan.(Mary Jane Olvina-Balaguer)