DOH MIMAROPA sinanay ang 36 BNS ng Mindoro Oriental sa paghahanda ng Raw Food
CALAPAN, ORIENTAL MINDORO – Masigla ang mga piling kababaihan ng 15 bayan na kinatawan ng 36 Barangay Nutrition Scholar (BNS) sa proyektong handog ng Department of Health (DOH- MIMAROPA)
Ang proyekto sa inisiatibo ni Dr. Eduardo C. Janairo, Regional Director ng DOH MIMAROPA para mas maging epektibo sa pagbibigay nutrisyon at kaalaman ang mga BNS sa kanilang mga kabarangay lalo na mas magiging kapakinabang sa mga bata.
Sa nasabing pagtuturo ng raw chef na magiging malusog sa paghahanda ng pagkain gamit ang prutas at gulay na hindi na lulutuin pa. At ng marecycle ang mga ingredient na walang masasayang lahat ng parte ng gulay o prutas ay magiging sa ngkap. Isa rin sa food demo ang maki na hindi kanin bagkussingkamas.
“First time ang pagtuturo ng mga paghahanda pagkain hindi niluluto hindi gaya ng dati puro leadership seminar kami gaya ng pagtitimbang ng bata kaya ako natutuwa” pahayag ng BNS na si Manuela Hernandez, 67 mula sa Bayan ng Naujan. Kabilang sa mga nanguna sa nasabing pagsasanay ay sina Chef Mylene “Mae” Vinluan-Dolonius at Ms. Perla Supnet, Nutritionist at Dietician buhat sa DOH MIMAROPA. // MJ Balaguer
-30-
Anak ng mga BHW ng MIMAROPA i-iskolar ng DOH MIMAROPA
Calapan, Oriental Mindoro- SA kasagsagan ng nakaraang Regional BHW Congess na ginanap sa Citistate Hotel Manila, inanunsyo ng DOH MIMAROPA ang magandang balita para sa mga itinuturing na ” Mga Bayani ng Kalusugan”.
Ayon sa Community Affairs and Media Relations Officer ng DOH MIMAROPA na si Mr. Glen Ramos, ipinahayag umano ni DOH MIMAROPA Regional Director Dr. Eduardo C. Janairo na dahil sa laki ng kontribusyon sa tagumpay ng mga programa ng gobyerno pang kalusugan na kanilang naibababa sa barangay level ay nararapat namang masuklian ang bolunterismong ipinagkakaloob ng mga BHW.
I-iskolar daw ng DOH MAROPA ang isang anak ng bawat BHW sa rehiyon upang makatulong sa pagpapa aral aa kolehiyo ng mga BHW at dahil nga mga boluntir ang mga ito ay wala namang tinatanggap na kahit konting umento sa kanilang bukas pusong serbisyo sa tao at pagsulong ng programang psngkalusugan ng gobyerno.
Sabi nga ng kasabihan, ang kalusugan ay kayamanan at sa makabagong panahon naman upang malagpasan ang kahirapan ay edukasyon ang kailangan. Nabatid na samut saring trabaho at hanapbuhay ang pinagkaka abalahan ng mga BHW sa kabila nito ay nagagawa pa rin nilang magsilbi bilang boluntaryo nang bukal sa kanilang kalooban.// michael balaguer
Maynila, PILIPINAS- HINDI madali ang trabaho ng isang volunteer. Sa isang kamay kailangan mong kumita ng pera para ka mabuhay at buhayin ang iyong pamilya habang sa isang kamay naman ay kailangan mong serbisyuhan ang iyong mga kababayang may pangangailangan sa kasanayang iyong natutunan. ganito kabigat ang suliraning tangan ng mga Barangay Health Worker lalo sa ating mga kanayunan,
Tila sila na ang gumagawa ng trabaho ng mga doktor sa kani kanilang mga lugar kaya nararapat silang tawaging “Bayani ng Kalusugan”. Nakapanayam ng www.diaryongtagalog.net si Ginoong Paciano Madlay, taga Plawan,
Isang karaniwang magsasaka at isa ring BHW sa kanilang barangay na nangako sa sarili na wawakasan niya sa tulong ng DOH MIMAROPA ang salot ng Malaria. Hindi nga raw niya alam ang dahilan kung bakit siya pinapunta ng Maynila nang makapanayam ng pahayagan sa kasagsagan ng Regional BHW Congress kung saan isa siya sa mga partisipante.
May temang “Kabalikat tungo sa kalusugan ng Lahat” ang Regional BHW Congress na pinangunahan ng DOH MIMAROPA sa pamumuno ni Dr. Eduardo C. Janairo bilang Regional Director.
Bagaman isang pambansang aktibidad sa kagawaran ng kalusugan, nai highlight nila ang tunay na kalagayan ng mga health worker ng barangay at kung paano matutulungan ang mga ito upang matulungan rin ang kani-kanilang mga kabarangay na maibaba sa grassroot ang programa ng gobyerno patungkol sa kalusugan.///Michael N. Balaguer