Pambansang Halal Forum ngayong taong 2013 Ginanap sa pangunguna ng DOST12

 

PANGUNAHING okasyon sa kalendaryo ng Halal sa Pilipinas, ito ang deskripsyon sa nakaraang National Halal Forum 2013 na ginanap nitong October 29-30 sa Makati Shangrila sa pangunguna ng Department of Science and Technology Regional Office 12 kung saan dinaluhan ng mga ibat-ibang embahador at ng mga opisyales ng kagawaran ng agham.

Sa temang Development of a Halal Economy: Role of Science, Technology and Innovation uminog ang forum ngayong taon. Sa kabila ng hindi isang bansang Muslim ang Pilipinas nakikita ng mga nasa Halal Industry na malaki ang potensyal ng bansa na suungin ang nasabing industriya at magtagumpay sa tulong ng agham, teknolohiya at inobasyon.

Kabilang sa mga embahador na nakibahagi sa okasyon ay sina H.E Bill Twedell, ang Australian Ambassador to the Philippines, H.E Christopher Thornley ang Canadian Ambassador to the Philippines, H.E Jorge Domecq, Spanish Ambassador to the Philippines.

Tiniyak ni Department of Science and Technology Secretary Mario G. Montejo na mananatiling committed ang kagawaransa kanilang pagsuporta sa nauna nang mga Halal Initiatives na makapag a angat sa local na industriya ng Halal sa bansa.

Ayon naman kay DOST 12 Regional Director at Chairperson ng National Halal Forum 2013 Dr. Haja Sittie Shayma Zenaida P. Hadji Raof Laidan na napapanahon na para sa ating mga Pilipino na iangat sa isa pang hakbang ang awareness natin sa Halal, niyayakap na ng mundo ang Halal Economy, bagaman hindi isang Muslim Country ang bansa ay maari pa rin tayong makibahagi dahil sa ating 10 milyong Muslim population, dahilan upang kailangang isakatuparan ang mga science and technology programs sa Halal Industry. (Michael balaguer)