Pulong balitaan sa Pambansang Linggo ng Bioteknolohiya ginanap, BIOTEK MAKATUTULONG SA MGA BIKTIMA NG BAGYO SA VISAYAS

nbw2013 presscon one

Maynila, Pilipinas- PCIEERD o ang Philippine Council for Industry, Energy and emerging
technology Research and Development sa ilalim ng Department of Science
and Technology ang nanguna sa pulong balitaan tungkol sa napipintong
pagbubukas ng taunang National Biotechnology Week ngayong taon.

Hindi lamang sa agrikultura mass food production ang maaring asahan sa
limang araw na linggo ng bioteknolohiya na sasalihan ng DOH, DTI,
DILG, DepEd, DENR, DA, DOST at ng akademya kundi pati ang mga
inaasahang solusyon nila sa napapanahong isyu gaya ng mga binagyong
kababayan natin sa kabisayaan.

 

 

Ayon kay Engr. Raul Sabularse ng PCIEERD may mga ipamamalas na
teknolohiya ukol sa pagpaparami ng niyog na halos naubos sa pananalasa
ng bagyo, mga paraan ng biotek sa medisina at sa pag identify ng mga
bangkay o DNA profiling.

Kamakailan ay nagbigay ng parangal ang PCAARRD-DOST sa sector
agricultural at pangisdaan, bilang interbensyon ng agham sa niyog sa
pananalasa ng bagyong Yolanda, may mga proyekto silang ukol sa niyog
na kabilang sa NBW.

 

 

Inaasahang iba ang pagdiriwang ngayon ng linggo ng bioteknolohiya
dahil di lamang gigitna ang okasyon sa karaniwang pagtutuok sa
agrikultura o massive food production kundi may mga isyu ring
sasagutin ukol sa kapaligiran, edukasyon, negosyo, hustisya (crime
scene investigation) at mga teknolohiyang di alam ng marami na
“biotek”. (Mary Jane O. Balaguer)

DSC00141