Pandaigdigang Araw ukol sa Kanser Ipinagdiwang, kasama ang MCM/PCMC; Buwan ng kababaihan ipagdiriwang, unang babaeng pangulo ng NPC iniluklok at 7th International Rare disease day gaganapin upang tugunan ang suliranin sa kakaibang sakit

Lungsod Quezon, Pilipinas-MATAPOS ang pagdiriwang nang nakaraang International Cancer day kung saan kabilang ang pandaigdigan at pribadong sektor sa mga nagsilbing taga suporta, gamit ang sining ng teatro at ekoturismo nais patunayan nito na ang Childhood Cancer ay nagagamot kung maaga lang mada diagnose.

Sa pakikipagtulungan ng My Child Matters Philippines at Philippine Children’s Medical Center pinangunahan nila ang pagdiriwang nitong nakaraang Feb 15 2014 sa La Mesa Eco park at bago ito ay sa PETA Theatre ang awareness campaign kasama ang mga batang may cancer, mga magulang nila at advocates.

Sa pambungad na pananalita na binitawan ni Dr. Julius A. Lecciones, Executive Director ng Philippine Children’s Medical Center na siya ring Country Coordinator ng My Child Matters Philippines, sinabi niyang ang mga nakibahagi sa okasyon ay ang mga pasyente PCMC, PGH, OSMAC, UST, at mga nanggaling pa sa ibat-ibang lalawigan gaya ng Bulacan, Batangas, Tarlac, Dumaguete, Bacolod, Davao, CDO at Zamboanga.

Ikinalungkot ring sabihin ng Executive Director na ang mga libreng chemotherapy drugs mula sa DOH ay hanggang 2015 na lamang kaya nga ngayon pa lang ay ini imbita na ni Dr. Lecciones ang mga magulang na magkaisa upang marinig ang kanilang panawagan ng mga kinaukulan gaya ng mga mambabatas na lumikha ng panukalang batas na makatutlong sa mga pediatric cancer patients upang maipagpatuloy ang pag aalagang medical na mabigyan sila ng abot-kaya o di kaya ay libreng chemotherapy drugs.

Sa Munting Saranggola, isang play na likha ng Philippine Educational Theatre Association (PETA) itinanghal sa entablado ang mga maling akala at katotohanan ukol sa childhood Leukemia. Ang highlight ng naturang aktibidad ay ang Town Hall Meeting na pinangunahan nina Drs. Julius A. Lecciones at Maria Cecilia Cruz.

Layuning pagsama-samahin ang karanasan ng mga magulang sa kanilang pagtahak sa daan ng pag aalaga sa kanilang mga anak na may sakit. Paraan ito upang malaman ng marami ang hirap na dinaranas ng magulang na may anak na may sakit at walang maayos na pag aalagang medikal. Isang pagkakataon rin upang maibahagi ang mga balakid, pangamba at karanasan habang nasa mga pagamutan ang kanilang mga anak pati ang kanilang mga suhestiyon sa kung paano maipagpapatuloy ang gamutan ng mga ito.

Ayon sa mga magulang, dati anila ay may PDAF pa ang mga mambabatas, sana wika nila ay  kung magkaroon muli nito ay mai diretso na lamang s mga pagamutan o sa pasyente ang tulong upang maraming mabiyayaan. (Jane Balaguer)

SAMANTALA

Quezon City, Metro Manila-MALAKING bahagi ang ginagampanan ng kababaihan sa lipunang Pilipino. Sila an gating mga lola, ina, kapatid, asawa, bff, congresswoman, senador at dalawang beses nang naging pangulo.

Hindi maaring itabi ang kanilang malaking kontribusyon sa ating lipunan, pulitika at kasaysayan sa kabila nang dinaranas nilang diskriminasyon at patuloy pa rin nilang inia angat ang kanilang sarili upang makilala at maging tanyag sa kanilang piniling larangan.

Sa isang institusyon kung saan dominado ng mga kalalakihan, iilan lamang ang mga babaeng nakaka pasok, sa mga tanggapan na ang nangunguna ay mga kalalakihan lalong mas kaunting babae lamang ang maaring mag excel o umabot sa puntong nasa mataas na posisyon na siyang kapantay ng kanyang mga lalaking katrabaho.

Dahil sa Magna Carta for Women at iba pang batas na kauri nito ay nai a angat ang kalagayan ng mga kababaihan, napangangalagaan ang kanilang karapatan laban sa pang aabuso at diskriminasyon bunsod nito ay inaabot nila ang pinakamataas nilang potensyal gaya ng maging Pangulo ng Pilipinas (President Corazon Aquino at President Gloria Macapagal-Arroyo) o Gobernador ng Lalawigan (Gov. Ningning Lazaro ng Laguna at Josie Dela Cruz ng Bulacan).

Sa National Power Corporation, isang Government Owned and Controlled Corporation na namamahala sa ating elektrisidad na kinabibilangan ng mga enhinyero at dalubhasa sa ahgam ng enerhiya, itinalaga ang kanilang kauna unahang babaeng Pangulo sa katauhan ni President Gladys Sta Rita.

Siya ang patunay na pantay ang kakayahan ng mga kalalakihan at kababaihan at kung ano ang nagagawa ng babae ay maari ring magawa ng lalaki sa isang tanggapan o institusyong matagal na pinamunuan ng mga lalaki, ngayon ay kuntento sila sa pamununo ng kanilang kauna-unahang babaeng Pangulo na nagsusulong ng mga makabuluhang pagbabago sa kanilang tanggapan.

Si Sta. Rita ay matagal na nagsilbing provincial administrator ng lalawigan ng Bulacan kung saan kanyang nai angat ang kalagayan ng kabuhayan ng mga Bulakenyo sa kabila ng papalit-palit na administrasyon. (Jane Balaguer)

KAUGNAY NITO

Pasay City, Pilipinas-PANGUNGUNAHAN ng Philippine Society for Orphan Disorders (PSOD) ang isang aktibidad kung saan ina anyayahan nila ng mga mamamayan na gunitain ang 7th International Rare Disease Day na magaganap  ngayong biyernes February 28, 5PM sa SM Mall of Asia.

Sa nakaraang  limang taon nakikibahagi ang  PSOD sa pandaigdigang komunidad ng mga doktor, organisasyon ng mga pasyente at mga advocates sa pagdiriwang ng Rare Disease Day at kadalasang ginaganap ito sa huling araw ng Pebrero.  Ang tema ngayong taon ay sa kampanya at nakatutok sa pangangalaga, kabalikat ang mga stakeholders na mag “JOIN TOGETHER FOR BETTER CARE” para sa mga taong mayroon kakaibang karamdaman (o ang tinatawag na orphan disorders) .

Sa bansa ngayon, ang mga organisasyon ng mga pasyente at magulang at naghahanap ng paraan upang magkaisa at magtulungan para sa pagpasa ng isang panukalang batas kung saan maaring isama ang kanilang sektor  sa mga nabibiyayaan ng sinasabing universal health coverage ng gobyerno dahil sa kasalukuyan ay di sila kabilang dito. kabilang ang sanofi-aventis sa pribadong sektor na nakibahagi.

Ngayong pagpasok ng buwan ng kababaihan di maitatatwang maraming babae ang may mga tinatawag na orphan disorder lalo ang mga kabataan, ilan sa kanila ay nakakaranas ng diskriminasyon at sa mga mahihirap ay kawalan ng access sa maayos na gamutan. (Jane Balaguer)