
8th BALIK SCIENTIST PROGRAM CONVENTION WITH PBBM
buo ang suporta ng Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos JR sa sektor ng agham partikular ang mga eksperto na ngayon ay nasa ibayong dagat ay inaanyayahan nyang magbalik scientist.
ito ang bahagi ng kanyang talumpati bilang keynote speaker sa ginaganap na 8th Annual Balik Scientist Program Convention.
Ayon sa Pangulo malaking bagay ang ginagampanan ng agham lalo na ngayong new normal kung saan nasubukan ang galing ng teknolohiya sa paglaban sa Pandemya.
Kasalukuyang marami ang programa ng gobyerno na may kaugnayan sa agham lalo sa agrikultura, enerhiya at klima maging sa DRRM ( disaster risk reduction and management).
Nabatid na naging mapalad ang pamunuan ng Department of Science and Technology ngayon dahil sa buong panahon ng Balik Scientist Program mula nuong 1975, ngayong panahon lang ni Sec Renato U Solidum Jr bilang DOST Secretary dumalo ang Pangulo ng Pilipinas.///Michael Balaguer,09262261791, konekted@diaryongtagalog.net at michaelbalaguer@yahoo.co.uk