PCCA Nagpasalamat sa mga Press; Seguridad sa Konstruksyon –tiniyak ng DOLE at DOST-NCR isinusulong ang DRRM

 

Ginanap kamakalawa ang pasasalamat kasabay ng Chinese New Year party para sa mga mamamahayag ni Dr. James G. Dy ng Philippine Chinese Charitable Association na siyang nag mamay ari ng Chinese General Hospital.

Bukod sa nasabing pasasalamat ay nagbigay ng tulong sa mga mamamahayag ang grupo particular sa Media Force na pinangungunahan ni Mr. Atong Balatong at Ester Gallardo ng Philippine Science Journalist Mega Manila.

Alam ng lahat na isa sa mga pinakamagagaling na ospital ang Chinese General sa bansa at kasalukuyang may mga programa ito ukol sa sakit na diabetes at mga paraan kung paanong di na puputulin ang mga binti ng may sakit na diabetes kung maa agapan.

Ang kanilang makabagong pasilidad ay nasa kanilang ospital sa Blumentritt Maynila kung saan naroon ang kanilang mga dalubhasang doctor./// mike balaguer

-30-

Maituturing na pinakamahalaga at isang haligi ng industriya ang sector ng konstruksyon. Sa kasamaang palad, sa kabila nang bilyong halaga ng salapi ang ipinapasok sa kabang yaman nang ating bayan ay nananatili pa ring hindi ligtas ang mga manggagawa sa nasabing sector.

Ang mga inhinyero na siyang may malaking responsibilidad sa seguridad ng mga  gumagawa sa mga susaling itinatayo ay minsan mga hindi lisinsyado ng Professional Regulations Commission (PRC).

Kung nakarehistro man ay hindi naman sila ang tuwirang nabibiktima sakaling may mga aksidenteng nagaganap kundi ang mga skilled worker gaya ng mga karpintero, mason, latero at mga nag o operate ng mga crane na siyang sinisertipikahan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Batay sa naging panayam kay Dennis C. Aquino, Engineer III, Safety Control Division sa Occupational Safety and Health Center ng Department of Labor and Employment (DOLE) sinabi niyang sa kabila nang mga paalaala at mga regulasyong ipinatutupad ng gobyerno upang tugunan ang mga suliranin sa seguridad sa industriya ng konstruksyon.

Ang problema ay nasa mga nagmamay ari ng lugar na pinaggagawaan ng mga gusali o istruktura, minsan ay maliit ang pinasusuweldo nila sa kanilang mga tauhan o kaya ay hindi mga rehistrado ang mga manggagawa o di kaya ay wala talagang lisensya.

Sa pahayag naman ng mga ito ay kung kukuha naman umano sila ng mga manggagawang kumpleto sa papeles ay aalisan naman sila sa loob ng ilang araw lamang dahil maghahanap ng ibang mapapasukan. Ang katotohanan ay  ang mga nabibiktima ay ang mga mababang uri ng manggagawa kundi walang mga harness, safety gear o insurance sakaling mamatay sa site.

Nakatadhana sa batas na inaatasan nito ang Department of Interior and Local Government at Department of Public Works and Highways na kung magtatayo ng mga gusali ay nararapat na tiyakin ng mga may ari nito na may mga karampatang permit, lisensya at akreditasyon ang mga manggagawa para sa kanilang kaligtasan at ito rin ang layunin ng ginawang seminar workshop ukol sa memorandum of agreement joint administrative order on construction safety dahil minsan o kadalasan ay pati mga municipal engineers lalo sa mga lower class na munisipyo ay walang alam sa mga ganitong regulasyon.///mike balaguer

-30-

Isinusulong ng DOST NCR sa pangunguna ng kanilang Executive Director Dr. Theresita Fortuna ang mga programa ng buong kagawaran dahil isa sila sa mga regional offices. Bunsod nito ay nakapanayam kamakailan ng radio component ng www.diaryongtagalog.net, ang programang Yesterday Today and Tomorrow na umi ere araw araw tuwing lunes hanggang biyernes alas tres hanggang alas singko nang hapon sa DZRJ 810 Khz AM na pinangungunahan ng publisher ng pahayagang ito at ni Veteran Broadcaster Mr. Jun Obrero.

Ang nakapanayam ng pahayagan ay ang Deputy Director ng DOST NCR na si Dir. Patalinjug kasama sina Ms. Pinky Marcelo, kanilang tinalakay ang tungkol sa Project NOAH at ang maraming bagay ukol sa Disaster Risk Reduction and management na bahagi ng pangmalawakang programa ng kagawaran.

Isang mahalagang programa ng kagawaran ng agham ay ang project NOAH o ang Nationwide Operational Assessment of Hazards kung saan sa pamamagitan ng mga detalye sa app na ito ay maaring malaman ng isang lugar ng real time ang kalagayan ng panahon.

Hindi naman ito sinasaklawan ang trabaho ng Philippine Atmosperic Geophysical and Astronomical Services Administration at Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PAGASA at PHIVOLCS) na kapwa rin kabilang sa 19 ahensya ng Department of Science and Technology kaya lang dahilan sa ang mga lugar na pag i implimentahan ng proyekto ay sakop ng regional office ng National Capital Region ay ang DOST NCR sa pangunguna ni Dr. Teresita Fortuna ang nakakasakop.

Malaki rin ang pinsalang inabot ng Kamaynilaan sa bahagi ng Disaster dahil matindi rin ang inabot ng ilan sa mga lungsod nito nuong bagyong Ondoy (Ketsana) kung saan sinalanta ang mga lungsod ng Marikina, Pasig atbp bukod sa mga suki ng pagbaha na Caloocan Malabon Navotas at Valenzuela.///mike balaguer