PCIEERD-DOST technoforum para sa mga technopreneur

DSC00509 DSC00510 DSC00511

 

 

 

Makati City, Pilipinas-Patuloy ang pagbibigay ng suporta ng kagawaran ng agham sa mga entreprenyur na nais umasenso, ito ay sa pamamagitan ng mga nalikha nilang teknolohiya na ipinagkakaloob sa mga negosyanteng nais makinabang nito.

Sa technology forum na pinangunahan ng Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development (PCIEERD) ng Department of Science and Technology na ginanap nitong mga huling buwan ng nakaraang taon, binigyan nila ng pansin ang ukol sa microbial rennet na ginagamit bilang aktibong sangkap ng keso.

Nabanggit rin at ipinakilala ang mga pagbabago sa pag aaral ng mga produktong maaring makuha sa niyog at ang paggamit ng pinaghalong brown rice at taro o gabi. Sa mga naipakitang teknolohiya na kasalukuyan ay nakikipagsabayan sa pamilihan bilang mga de kalidad na produktong alak, keso at inuming pampalakas.

Hiling ni Dr. Rowena Cristina Guevara, Executive Director ng PCIEERD ang suporta ng mga negosyante at entreprenyur sa mga pagsasaliksik ng kagawaran ng agham dahil aniya, kahit napakaraming teknolohiya kung walang mag a adapt nito ay mababale wala rin ang pinagsunugang kilay ng ating mga dalubhasa. (mike balaguer)

DSC00508DSC00507DSC00506

 

 

DSC00504