Pelikula Tungkol sa Disaster Dapat Makatotohanan

 

 

Ginanap kamakailan ang pulong balitaan tungkol sa isng ginagawang pelikula na ang tema ay batay sa tunay na buhay. Ang tunay na buhay na kanilang tinutukoy ay maaring magkaroon ng malaking implikasyon sa buhay ng tao sa kasalukuyan.
Alam natin na ang pelikula ay itinuturing ng iba na salamin ng buhay at ang mga pelikulang batay sa tunay na mga pangyayari ay di kalian man kailangan ng eksaherasyon o pagda dagdag bawas ng mga detalye na may layuning maging imposible ang nasabing mga kaganapan.
Sa mga pelikulang may temang disaster sa ibayong dagat ay karaniwan na ang eksaherasyon sa pagpapalabas nito, ayon sa kanila sa ganuong paraan dinadayo ang pelikula at bumibenta, oo nga naman kung hindi matatakot at mangangamba ang mga manonood at ang magiging pakiwari nila ay totoo ang kanilang mga pinanunood, hindi nila ito iri rekomenda sa kanilang mga kakilala na panuorin din.
Ang ginagawang pelikula na “every second counts” ay ukol sa disaster, ukol sa sinasabing “big one” o ang malakas na pag lindol na inaabangan ng mga awtoridad sa bahagi ng agham. Kaya nga naimbitahan sa pulong balitaan na ito ang awtoridad sa lindol at tsunami.
Ayon kay DOST USec for Disaster Risk Reduction and Management at Officer In Charge ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na si Dr. Renato U. Solidum, dalawa ang layunin ng pelikula, una ay mag aliw ang ikalawa ay magturo, at sa lipunang pinoy na mahilig sa pelikula, malaking bagay o impluwensya ang naidudulot ng mga napapanood ng pinoy.
Sa halip na eksaherasyon gaya ng Hollywood ang gawin ng mga prodyuser ng pelikula payo niyang gawin itong makatotothanan upang makatulong sa paghahanda ng tao sakaling dumating ang hindi inaasahan.///Michael n. balaguer, +639333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net

Realistic Portrayal of Disaster