PHILHEALTH KULANG SA MGA CONTRACTED HOSPITAL, BAGONG IPINAKILALANG E-TRIKE at IFTAR SA BAHAY NG AMBASSADOR

PHILHEALTH KULANG SA MGA CONTRACTED HOSPITAL PARA SA Z BENEFITS NG MGA MAY MGA BREAST CANCER

Inamin ng kasalukuyang President and Chief Executive Officer (CEO) ng Philippine Health Insurance Corporation (PHIlHEALTH) na si Emmanuel R. Ledesma Jr. sa ginaganap nilang regular na PhilHealth Kapihan with the Media sa kanilang punong tanggapan sa Citystate Center Pasig City nitong April 5 2024 na kailangan na malaman ng tao ang mga bagong benepisyo nula sa PhilHealth.

Pinag usapan at tinalakay ang tungkol sa “Enhanced Z Benefits for Breast Cancer kung saan binuksan ang programa ni Acting Vice President for Corporate Communications Rey T Belena kasunod ang natatanging mensahe buhat kay Emmanuel R Ledesma Jr na siyang President and CEO at sinundan ng isang presentasyon ni Exequiel Sy na miyembro ng Special Benefits team ng Benefits and development Research Department.

Sa open forum kung saan aminado si PhilHealth President and CEO Emmanuel Ledesma na kailangan nila ang dagdag na information dissemination para sa Z Benefit Package para sa Breast cancer at pati na rin sa mga contracted hospitals na nagkakaloob ng mga serbisyong kaugnay nito.

Ayon sa PhilHealth ang kanilang ibibibigay dati sa naturang mga hospital ay Hanggang 100,000 pesos para sa Breast cancer treatment ngunit ngayon ay hanggang 1.4 Million dahil sa mga contracted hospitals kung saan kakaunti nga ang mga ito, wika nila maraming ma e enganyo na hospital na maging isa sa mga contracted hospitals ng PhilHealth dahil dito.

Ayon sa ulat, malaking hadlang sa kabuhayan ang pagkakaroon ng kaanak na may kanser dahil sa laki ng gasto sa pagpapagamot nito kaya malaking tulong ang Z package para sa breast cancer treatment. ///Michael Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@yahoo.co.uk

-30-

BAGONG IPINAKIKILALANG E TRIKE NI GOV CHAVIT SINGSON

Sa isang pulong balitaan biyernes kamakailan sa Klub Filipino kung saan dinaluhan ng maraming mamamahayag, ipinakilala ni Ilocos Sur Governor Luis Chavit Singson ang mga makabagong Jeepney at e-trike na ayon sa kanya ay akma sa ating mga kalsada sa bansa.

Ang behikulong kanyang ipinakita sa mga nagkober na mamamahayag ay kahalintulad ng ating tradisyunal na traysikel ngunit malaki ang kahawigan sa taxi na umiikot sa mga kalsada ng Bangkok sa bansang Thailand at ito ay ang Tuktuk.///Michael Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@yahoo.co.uk

-30-

IFTAR SA BAHAY NI AMBASSADOR

Ang buwan ng ramadhan ang isa sa limang haligi ng relihiyong Islam kung saan ayon sa Philippine Statistics Authority ay may humigit kumulang 15 Milyon na ang bilang sa ngayon. ang Ramadhan ay ang ginagawang pag aayuno ng mga Muslim kung saan hindi sila kumakain, umiinom at nakikipagtalik mula pagsikat ng araw hanggang paglubog nito.

Kaya nga sa pag aayuno sa loob ng 30 araw hindi naman kasama ang buong gabi hanggang madaling araw. Sa mga oras na ito ang mga Muslim ay maaring kumain at uminom ito ay ang Iftar o ang Ramadhan Break. Sa 30 araw ng buwan ng ramadhan ay ibat-ibang mga institusyon, organisasyon at mga tanggapang pagma may ari ng Muslim o mga hindi Muslim na nakaka unawa sa tradisyong ito ng relihiyong Islam ang nagsasagawa ng pa-Iftar upang magbigay galan at suportahan ang nasa pananampalataya at nagtitika.

Isa ang embahada ng Malaysia sa nagsagawqa ng pa Iftar kamakailan sa loob ng buwan ng Ramadhan at ito ay pinangunahan ng Embahador ng Malaysia dito sa bansa na si Dato Abdul Malik Melvin Castelino Bin Anthony at kanyang mga kawani na naghain ng Malaysian food na kanilang kinakain pag Iftar. Ang nakaraang Iftar ay para sa mga mamamahayag kaya na anyayahang dumalo ang www.diaryongtagalog.net at www.dzmjonline.net sa nasabing okasyon.

Ang nagmamay ari ng naturang dalawang websites ay mga Muslim at ang bansang Malaysia namam ay may nakararaming mamamayan na Muslim o ang opisyal na relihiyon ay Islam sa katunayan ang kanilang embahador dito sa Pilipinas ay Muslim.///Abdul Malik Bin Ismail, 09333816694, abdulmalikbinismail6875@gmail.com