PhilHealth: Ready, TSeKap, Go! para sa mga Matatanda; IKA-4 NA ANIBERSARYO NG BMACC IPINAGDIWANG SA MALOLOS at KONSEHALA GANDA NAGDIWANG NG KAARAWAN KASAMA ANG MASA

 tita rosy 4KONSEHALA GANDA NAGDIWANG NG KAARAWAN KASAMA ANG MASA

Iba’t-iba ang paraan nang pagdiriwang ng kaarawan ng mga tao. May mga taong nagkakasayahan, nagkakaloob sa mga charitable institutions, nagllibang sa pamamagitan ng pag travel sa ibang lugar na di pa nila napupuntahan samantalang may mga tao naman na mas ginustong ibahagi ang kanilang tinangkilik sa buong taon sa kanilang mga kababayang mas nangangailangan.

Sa bahagi ng Barangay Catmon sa Lungsod ng Malolos ay matatagpuan ang isang lingkod bayan na masasabing tunay na may puso para sa kanyang mga kababayan. Tinaguriang “konsehala Ganda” dahil sa kanyang taglay na magandang puso at kagandahang pisikal kung kaya kada sumasapit ang Ika-15 ng Nobyembre ay may mga biyayang dumarating rin para sa kanyang mga kabarangay.

Ngayong tao ay nagpamigay ng mga groceries ang itinuturing nilang “muyta” ng barangay sa halo 200 mga mamamayan na  nakibahagi sa kanyang payak na salu-salo. Masasabing walang umuwing luhaan wika nga sa mga taong nagtungo upang bumati lamang ng “maligayang Kaarawan” sa kanya. Di na binanggit ni konsehala Rosy Danganan kung kalian nagsimula ang sarili niyang tradisyong ito, pagbibiro nga niya sa Publisher ng www.diaryongtagalog.net na kanyang kaibigan na di na raw kailagang ipaalam pa ito sa madla dahil malalaman na may edad na siya.

May edad man o hindi ay isa lang ang dapat matutunan ng isang taong nagnanais magserbisyo sa bayan sa mga ginagawa na ito ni konsehala. Nararapat na kng sinuman ang nagnanais na maglingkod sa bayan gaya marahil ng kanyang trabaho sa barangay ay marapat na kinakalinga rin nila ang kanilang mga kababayan maging iba man ang kinikilingan itong kulay pulitika.

Masasabing star studded ang naging selebrasyong bagaman hitsurang pyak sa paningin ng kanyang mga kababayan. Dumalo rin ang ilang konsehal nang Bayan ng Lungsod ng Malolos gaya ni Konsehal Rico Capule at pamilya, mga mamamahayag sa radio at internet at ang mga kasamahan niyang nagsu zumba, isang ehersisyong ginagawa upang maging maayos ang pagangatawan ng mga kababaihan na medyo malusog. Bukod sa mga bisita ay naroon rin natural ang kanyang buong pamilya. (ang karagdagang istorya a matatagpuan sa ALIWAN page) ///Mary Jane Olvina-Balaguer

DSC03852

 
Nayon ay opisyal na inilunsad ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang ikalawang Nationwide Simultaneous Run na nakatakdang ganapin ngayon February 15, 2015 sa 13 rehiyon sa buong bansa. Ang nasabing run ay kabilang sa pangunahing aktibidad ng PhilHealth na kanlang inorganisa kaalinsabay ng pagdiriwang ng 20th anibersaryo a may temang “Ensuring Universal Coverage for All Filipinos!”
 
Tinaguriang “PhilHealth: Ready, TSeKaP, Go,”  ang nasabing aktibidad ay magpapaingay ng kuntribusyon nang PhilHealth’s sa Kalusugang Pangkalahatan agenda ng Aquino administration, at itaas ang kamalayan ng publiko ukol sa health care benefits at services na ipinagkakaloob nila sa mga miyembro.
 
Sa paglulunsad ngayon ay kaalinsabay rin ang pagtatanim ng punongkahoy sa 13 rehiyon bilang tanda ng komitment nang PhilHealth’s para pangalagaan ang kapaligiran at ang pagsisimula ng opisyal na pagbibilang sa 100 days patungong February 15 Run.
 
Ang Run, ay gaganapin sa mga lungsod ng Quezon, Baguio, Dagupan, Tuguegarao, Olongapo, Lucena, Lipa, Naga, Iloilo, Cebu, Tacloban, Davao and  Koronadal, at dadalhin ang pangunahing tema ukol sa primary care benefit package or‘TSeKaP’ to na ipaalam sa madlang target participants, lalo ang mga nabibilang sa vulnerable sectors ng lipunan,  ang kahalagahan ng prevention kontra sa mahal na hospitalization. (may iba pang istorya sa AGHAM page) ///Michael Balaguer   

 DSC03919

IPINAGDIWANG ng bulakenyo muslim community ang Ika 4 na taong pagkakatatag ng Bulacan Muslim Consultative Council na ginanap nitong Ika 10 ng Nobyembre 2014, simula n alas 10-hanggang alas 3 ng hapon sa Hiyas ng Bulacan Convention Center.

Sinimulan ang palatuntunan sa patimpalak ukol sa pagbasa ng Banal na Qur an na pinangunahan ni Alipahme C. Amerol, Chairman ng Committee on Peace and Order ng BMACC. Sa patimpalak na ito ay lumahok ang mga mambabasa buhat sa mga Muslim Communities ng Santa Maria, Balagtas, Malolos, San Jose Del Monte at Meycauayan.

Pagkaraan ng ilang mga pagbasa ng Banal Na Qur Aan ay sinimulan na ang aktibidad sa pangunguna ni Gng. Maryam Jannah E. Olvina-Balaguer, Publisher ng www.diaryongtagalog.net sa kanyang pangunguna na awitin ang pambansang awit ng Pilipinas at sinundan ito ng pagpapakilala sa mga  natatanging panauhin at ang kanyang pambungad na pananalita at pagbati ni BMACC Co-Chairman and Executive Officer Hadji Yahya Gamor.

Sa kalagitnaan ng aktibidad ay nagbigay ng kanilang intermisyon ang grupo ng Balagtas, ito ay isang Muslim Cultural Dance na sinundan naman ng isang talumpati buhat sa panauhing pandangal na si Commission on Elections Commissioner Atty. Elias R. Yusoph; Mohammad Yusoph Lamping, Chief Law Enforcement Services ng Land Transportation Office; representante ni Valenzuela 1st District Congressional Representative Sherwin Gatchalian na si Ma. Praceli S. Nelson kanyang Chief of Staff sa kanilang District Office sa Malinta, Valenzuela. sundan sa ISLAM page///Maryam Jannah Olvina-Balaguer