PHIVOLCS Director bagong DOST USec; FNRI Inilunsad ang mga programa ngayong 2017 at STII nakipagpartner pasa sa DOSTV

Quezon City, PILIPINAS- Kasabay nang turnover ceremony ng Nationwide Operational Assessment of Hazards o Project NOAH sa Department of Science and Technology kamakailan itinalaga rin bilang Undersecretary si Philippine Institute of Volcanology and Seismology Director Dr. Renato U. Solidum.

Undersecretary for Disaster risk Reduction and Climate Change ang bagong trabaho ng itinuturing na si “Mr. Fault Finder” dahil sa kanyang pangunguna sa ahensya ng kagawaran  ng agham na namamahala sa mga lindol at bulkan.

pinangunahan ni Prof. Fortunato T. dela Pena sabay ang pagtatalaga kay Solidum at ang turn over ng Project NOAH na isang natapos nang proyekto na para sa disaster risk reduction and management ng kagawaran .

sa nasabing turn over ay mahahati hati na ang mga features ng NOAH gaya ng mapping sa NAMRIA, sa mga landslides para sa PHIVOLCS at MGB ng DENR, sa OCD-DND at sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o (PAGASA) na nagkaroon pa ng isyu buhat sa mga made-displace na kawani ng proyekto, kabilang rin sa dumalo ay si Dr. Vic Malano ng PAGASA/// Michael N. Balaguer

-30-

Pasay City, PILIPINAS- tatlong mahahalagang programa para sa nutrisyon ng pilipino ang inilunsad kamakailan ng Food and Nutrition Research Institute, ang pangunahing arm ng kagawaran ng agham sa usapin at pagsasaliksik sa nutrisyon na pinangungunahan ni Dr. Mario V. Capanzana bilang director.

Kabilang sa mga programa ngayong 2017 na kanilang inilunsad ay ang mga pinaigting na mga una nang ipinakilala sa publiko gaya ng bantog na Pinggang Pinoy na humihikayat sa lahat na kumain ng mga masustansyang pagkain gaya ng mga Go, Glo at Grow Foods.

isa din ay ang Kabalikat awards para sa nutrisyon na kanilang iginagawad sa mga LGU at ang huli ay ang kanilang pagbubukas ng patimpalak sa short films na magpapakilala sa mga magagandang kwento ukol sa nutrisyon.

sa talumpati ni Sec. Fortunato T. dela Pena ng DOST ay binati niya ang ahensya  sa kanilang mga pagsasaliksik at inobasyon ukol sa nutrisyon at ibig niyang ma highlight ang mga accomplishments sa nalalapit na National Science and Technology Week, nais din nyang maging inter active para sa mga makikibahaging kabataan sa ASEAN.///Michael N. Balaguer

-30-

Maynila, PILIPINAS- Sa pagdiriwang ng ika 30 taon pagkakatatag ng Science and Technology Information Institute sa pangunguna ni Director Richard Burgos, nakipag partner ang ahensya sa mga organisasyong makakatulong ng malaki upang ang agham at teknolohiya ay maibahagi sa mas nakararaming tao sa pamamagitan ng telebisyon.

Kabilang sa mga nakipag partner ang STII ay ang Peoples Television Network o ang channel ng gobyerno, ang Global News Network o ang isa sa mga malalaking cable at satelite television company sa bansa at ang SCIDEV para sa content ng mga programa ukol sa agham na buhat sa ibayong dagat.

ang DOSTV ay nagpo programa over the internet sa mga nakaraang panahon kaya marapat lang na mag migrate na ang kanilang programming kapwa sa cable and free TV. Kabilang sa dumalo sa kanilang anibersaryo ay mga kagawad ng pamamahayag, mga dating kasama sa tanggapan at mga dating opisyales gaya ni Comm. Raymund Liboro. Si Sec. Fortunato T. dela Pena ang nanguna sa nasabing anibersaryo na dati ring nanilbihan bilang direktor ng STII.///Michael N. Balaguer