PHIVOLCS-DOST head itinuwid ang tinukoy ukol sa Arena ng INC na “earthquake proof” sa Central Luzon Leg ng “iba na ang panahon roadshow; CALBARZON leg ng “iba na ang panahon” sa pangunguna ng DOST/DILG/DND Science for Safer Communities ginanap sa Batangas

DSC01288

Clark Freeport Zone, Pampanga-“Earthquake resilient ang tamang kataga at hindi earthquake proof” ang ginawang pagtutuwid ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Director Dr. Renato Solidum kasabay ng aktibidad ng Department of Science and Technology (DOST), Department of the Interior and Local Government (DILG) joint project ukol sa disaster awareness na ginanap sa lungsod na ito ngayong ika 3-4 ng Marso, 2014.

 

 

Pahayag ni Dr. Solidum, batay sa panayam ng isang kilalang educational network na nag interview sa kanya ukol sa kalagayan ng sinasabing pinakamalaking “dome” structure sa buong mundo, ang Philippine Arena ng Iglesia ni Cristo. Kinapanayam lamang raw siya ng network upang malaman kung ano ang mga tamang kaparaanan upang maiwasan ang disgrasya kapag may kalamidad lalo sa mga istrukturang malalaki gaya ng Arena.

 

 

Nakatakdang isabay ang pagbubukas ng Arena sa anibersaryo ng Iglesia ni Cristo sa 2014. Sa panayam ng www.diaryongtagalog.net PHIVOLCS director mahalaga ang kaalaman ukol sa disaster management lalo sa lindol dahil sa kinalalagyan ng bansa na nasa pacific rim of fire. Kailangang marunong umano tayong mag imagine kung ano ang mga posibleng scenario ng disgrasya para di kagaya ng pagragasa ng “bagyong Yolanda” na “nabulaga” ang lahat at naiwan lang ang napakalaking damage.

 

 

Sa pakikipagtulungan rin ng Office of Civil Defense (OCD) at ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa temang “Science for safer communities, IBA NA ANG PANAHON (region III)  early warning early action”. Kabilang sa mga nakibahagi ay ang DOST Sec. Mario G. Montejo, DOST Region 3 Director Dr. Victor Mariano, PAGASA Administrator Dr. Vicente B. Malano at Dr. Renato U. Solidum ng PHIVOLCS.

Sa kabila ng kahalagahan ng disaster risk reduction management na pinag usapan sa aktibidad kung saan dapat bahagi ang lahat pati mga LGU heads ng pitong lalawigan ng Gitnang Luzon, wala ni isang Governor na nag attend, tanging mga proxy lamang o kahalili ang mga nakibahagi sa mahalagang aktibidad na ito ng kagawaran ng agham liban sa Mayor ng Donya Remedios Trinidad sa Bulacan na si Mayor Ronald T. Flores. (mike balaguer)

 

DSC01336

 

Malvar, Batangas-Matapos ang unang sigwada ng Science for Safer Communities Roadshow na ginanap kamakalawa sa Oxford Hotels sa Clark Freeport Zone, Angeles City sa Pampanga kung saan unang bahaging isinagawa sa Gitnang Luzon ngayon ay narito sa lalawigang ito ang Department of Science and Technology, Department of the Interior and Local Government at Department of National Defense.

Ang dalawang araw na katibidad ay ginaganap sa Lima Park Hotel sa loob ng Lima Techno Park kung saan gaya ng sa region 3 na dumating ang dalawang gobernador  ng mga lalawigan ng Tarlac (Governor Victor Yap) at Bataan (Governor Albert Garcia), mga Mayors naman ng mga lalawigan ng Batangas, Rizal, Laguna at Quezon ang animo ay nagkaisa upang magtulungang maiwsan ang mga masamang bunga ng disaster sa kanilang mga lalawigan.

Naging panauhing pandangal si DOST Secretary at Vice Chair ng NDRRMC para sa Prevention and Mitgation Dr. Mario g. Montejo. Dalawamput-dalawang alkalde buhat sa mga nabanggit na lalawigan sa CALABARZON ang dumalo upang sa dalawang araw ay matuto kung ano ang maaring magawa ng agham at teknolohiya sa disaster risk management scenario based technology na ipinakikilala ng DOST.

Katulad ng nakaraang roadshow tuturuan ng PHIVOLCS, PAGASA at OCD-NDRRMC ang mga local disaster managers at Provincian/municipal/city disaster risk reduction management offices kung ano ang mga bagong paraan upang mabawasan ang epekto ng kalamidad na maaring sapitin ng kanilang lugar kung may bagyo,lindol atbp.

Kasama pa rin sa mga nakibahagi ay sina PHIVOLCS Director Dr. Renato Solidum at PAGASA Administrator Dr. Vicente Malano at DOST R4A Regional Director Dr. Alexander Madrigal. (mike Balaguer)