PRESSCON UKOL SA NSTW MAY KAUGNAYAN SA MSME’s, MANGGA isang prized comodity ng Pilipinas-NAST at pcieerd-dost nagdiwang ng anibersaryo at nast phils naghahanda sa asm 2014 MULTI HAZARD MAPS IEC NG OCD, PAGASA & PHIVOLCS GINANAP SA BULACAN

 

“Something is brewing in the MSME sector” ang tema ng pulong balitaan ukol National Science and Technology Week (NSTW) 2014 na pangungunahan ng Department of Science and Technology (DOST) ayon sa tema ngayon na “SCIENCE NATION, Philippines: A Science Nation Meeting Global Challenges” .

Batay sa kanilang programa sa nasabing pulong balitaan magbibigay ng overview ukol sa NSTW ngayon si Dr. Alexander Madrigal, Alternate Represntative 2014 NSTW Steering Committee, Vice Chairperson, Committee on Regional Operations at Regional Director ng DOST IVA kasunod ang mga pahapyaw ukol sa Development Strategies gaya ng Technology Innovations for Smarter MSME’s ni Dr. Alexander  Madrigal, RD DOST IVA.

Smart Innovations for MSME’s Celebrating SETUP Innovators ni Engr. Edgardo M. Esperancilla, RD ng DOST VIII, Technical Assistance/ Consultative Services ni DR. Teresita Fortuna ng RD ng DOST NCR, Food Safety Must Not Just a Choice ni Dr. Anthony Sales, RD ng DOST XI, Packaging Innovations for MSME’s stepup (S&T Packaging for Biz Upgrading) ni Engr. Rowena R. Gelonga, RD ng DOST VI.

Laboratory and Testing Services ni Dir. Brenda L. Nazareth-Manzano, RD ng DOST IX at Community Empowerment Through Science and Technology (CEST) “Malusog at Matalinong Mamamayan, Ligtas at Maunlad na Pamayanan” ni DR. Urduja A. Tejada , RD ng DOST II.

Bukod sa mga nasabing DOST Regional Directors ay naroon rin sina DOST USec for ROS na si Dr. Carol M. Yorobe na nagbigay ng pambungad na pananalita, Dr. Julius Ceasar V. Sicat, RD ng DOST CAR na siyang NSTW Outcome 2 Lead for Publicity and Promotion, DOST ASec. Raymund E. Liboro at Dr. Aristotle Carandang kapwa ng STII-DOST.  Ang NSTW 2014 ay aganapin ngayong Ika-24-28, 2014 sa SMX Convention Center Mall of Asia Pasay City. “As we gear up for ASEAN 2015 let us promote the MSME sector” ang pahayag ni Dr. Alexander Madrigal.

 

MAITUTURING na isang mahalagang produkto ng Pilipinas ang Mangga at sa  halaga ng kikitain ng mga nagtatanim nito ay kinailangan ang agham at teknolohiya upang mai angat ang produksyon nito ayon sa isang National Scientist ng National Academy of Science and Technology (NAST)
Philippines.

Sa mga nakaraang panahon ay minsanan lamang mamulaklak at bumunga ang
Mangga kaya limitado ang teknolohiya para lumakas ang produksyon nito. Ito ang dahilan kaya inaral ni Dr. Ramon C. Barba ang tungkol sa mabilis na pamumulaklak at tuloy pamumunga ng mangga para buong taon ay maka ilang ulit itong mamunga para lumakas ang kikitain ng mga
magtatanim nito.
Sa eksklusibong panayam ng Pinoy Parazzi sa Pambansang siyentista nitong nakaraang Annual Scientific Meeting ng NAST sinabi niyang isang prized commodity na maituturing ang mangga at bantog sa mundo ang ating masarap na mangga kaya kailangan lang na suportahan ng agham at
teknolohiya ang produksyon nito. Makikita ang buong buong profile at works ng nasabing siyentista sa
NAST website www.nast.ph ayon naman kay Dr. William Padolina, Pangulo ng NAST kailangang-kailangan ng bansa ang mga ekspertong gaya ni Barba para na rin sa economic development at upang tuluyang sumulong ang sektor agrikultural ng Pilipinas.
Ngayong National Science and Technology Week ay iha highlight ang mga na gawa ng agham at teknolohiya para sa sektor agrikultural at sa mga micro small at medium enterprises o MSME’s na kabilang ang mga magtatanim ng mangga. Sa pag aaral, ang isang punongkahoy ng mangga ay maaring makapaghatid ng malaking pera sa may ari ng puno dahil sa bunga nito na maaring maibenta pang lokal o eksport, ang century old na mga punong kahoy ay gayundin mas malaki ang kikitain dahil sa mas tumatanda ang puno ay mas dumarami ang bunga o katulad rin ng  pagpa farm nito.(MJ Balaguer)

APAT na mahalagang aktibidad ang isinagawa ng Department of Science and Technology (DOST) kamakailan kung saan tumutok ang kagawaran sa mga kakayahan ng mga ahensyang nasa ilalim nila kasama sa paghahanda sa nalalapit na National Science and Technology Week (NSTW).

Binigyang parangal ng Philippine Council for Industry, Energy and Emerging technology Research and Development (PCIEERD) ang mga natatanging indibidwal na naging kabalikat ng ahensya upang maipa alam sa publiko ang kanilang mga tulong sa industriya. Sa ika-4 nilang anibersaryo, sa kanilang Kabalikat Awards para sa Cyber Media binigyang parangal si Michael Balaguer  ng www.diaryongtagalog.net ,Edd K. Usman ng Manila Bulletin at Mely Tenorio ng Radyo ng Bayan.

Kasabay ng parangal ay ipinagmalaki ni PCIEERD Executive Director Dr. Rowena Cristina Guevara ang mga natulungan nila s bahagi ng Industry, Energy at Emerging Technology. Samantala, sa pulong balitaan na pinangunahan ni National Academy of Science and Technology (NAST) President Dr. William Padolina at Exeutive Director Luningning Samarita-Domingo, ipinakilala nila ang  mga bagong dalubhasa sa ibat ibang disiplina ng agham bilang  paghahanda sa nalalapit na Annual Scientific Meeting (ASM) kabilang sa mga ito ay si Dr. Olveda ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na bihasa sa pag aaral sa mga Neglected Tropical Diseases (NTD) o mga sakit na pinababayaan ng gobyerno gaya ng Systosomiasis, isang karamdamang endemic sa Mindanao at Bisaya na ngayon ay mayroon na rin
sa Luzon.

Kaugnay nito ay ginanap naman sa Malolos City ang Information and Education Campaign ukol sa bagyo, lindol, guho at baha na pinangunahan ng Office of Civil Defense (OCD), Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) kung saan kanilang tinuruan ang halos 569 barangay ng Bulacan buhat sa mga bayan ng Hagonoy, Calumpit, Paombong, Obando, Malolos at iba pang stakeholders
gaya ng Aurtalian aide at United Nations.

Layunin nitong maging handa ang mga mamamayan sa maka agham na paraan upang harapin at agapan ang mga disgrasyang dulot ng kalamidad katulad ng paghahanda ng mga residente ng Iloilo sa pangunguna ni Dr. Augusto Boboy Syjuco Jr. na pigilan sa pamamagitan ng Writ of kalikasan ang
pagtatayo ng mega dam sa Jalaur na isang hazard prone area na nakatakda pang tayuan muli ng isa pang mega dam. Kabilang sa mga tagapagsalita sa nasabing okasyon ay sina PHIVOLCS
Director Dr. Renato Solidum at si PAGASA Public Affairs Head Ms. Venus Valdemoro. (Jane Balaguer)