PSHS-DOST socsargen campus nagbukas na, school year 2013-2014 nagstart na

pisay

NAGBUKAS na ang isa pang sangay ng Philippine Science High School ng Department of Science and Technology sa socsargen (South Cotabato, Sarangani at General Santos) area sa mindanao at matatagpuan ang campus nito sa Koronadal City, South Cotabato at ang mga mag aaral
nitong school year 2013-2014 ay nagsimula nang pumasok sa grade 7.

Ito ang tinuran ni DOST USec Fortunato Dela Pena sa panayam ng www.diaryongtagalog.net kamakalawa. Matatandaang nitong nakaraang taon ay nagkaroon pa
lamang ng ground breaking ng itatayong istruktura para sa nasabing paaralan.

Ngayon ay di na mahihirapan ang mga mag aaral sa mindanao na nagnanais na magsimulang mag aral ng mga science related na kurso pagdating ng kolehiyo dahil ang pangunahing science based high school sa bansa ay may sangay na sa kanilang lugar.

Ang main campus ng PSHS ay matatagpuan sa lungsod Quezon tabi ng Philippine Children’s Medical Center, ang nasabing paaralan na isang sangay ng kagawaran ng agham ay bahagi ng nuon ay “Lungsod ng kabataan” na umaagapay sa karunungan ng kabataan pagdating sa
disiplinang pang agham. (Mary Jane Olvina- Balaguer)

usec boy