QC 1st Bgy. Mobile App

 

 

Sa layuning maabot ang kanilang mga kabarangay sa mabilis at epektibong paraan sinimulan ang kauna unahang mobile application pam barangay sa Barangay Lourdes, Lungsod Quezon.
Sa pagtutulungan ng Barangay Lourdes sa pangunguna ng kanilang Barangay Chairperson na si Trina Sioson at ang developer ng App na Highly Succeed Inc. inilunsad ito kamakailan sa mga mamamahayag ng lungsod.
Ayon sa panayam kay Chairperson Sioson ng www.dzmjonline.net sila lamang ang unang barangay na magkakaroon ng mobile app sa buong lungsod at susunod na din ang iba pang barangay.
Dagdag pa niya malaki ang maitutulong nito sa mga programa ng barangay, information dissemination at iba pang mahalagang mga pabatid sa mga kabarangay nila lalo at ang mga ito ay di malimit lumalabas ng kani kanilang mga kabahayan.
Malaki rin ang tulong nito sa mga nais magkaroon ng transaksyon sa barangay lalo sa negosyo dahil maraming establisimento ang kanilang nasasakupan madali ang pagpapakalat ng impormasyon dahil halos lahat naman ng tao ay may cellphone.
Kabilang din sa mga nakibahagi sa nasabing paglulunsad ay si Kagawad jose Carmelo Sioson, Committee Chairman on Transportation and Communication.///Michael Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net

Pilot Area for Bgy Mobile APP in QC