QR OPERATED NA ATM SA PINAS INILUNSAD NG COOPNET SA C TECH SUMMIT

COOPNET LAUNCHES QR OPERATED ATM IN PH AT C TECH SUMMIT

Kauna unahang cardless ATM sa Pinas inilunsad ng Coopnet

TINULUNGAN ng COOPNET ang serbisyo ng Bancnet para sa mga bangko at iba pang institusyong pinansyal na hindi kayang makapag roll out ng mga Bancnet ATM dahil sa halaga, compliance, at limitadong kapasidad ng mga maliliit na mga bangko.

Ang teknolohiyang ito ay isang inclusive system na nagre refined ng interoperable payment solutions sa bansa, ayon kay DigiCOOP Technology Service Cooperative President Ann Cuisia.

Ang Cooperation Network (COOPNET) teller machine i ay ang kauna unahang cardless teller machine na gumagana gamit ang QR Code. sa kasagsagan ng Cooperative Summit ( C Tech 2022) na inorganisa ng Digital Pilipinas Festival sa pakikipagtulungan ng Elevandi na isang organisasyon na itinatag ng Monetary Authority of Singapore (MAS) sa Green Sun Hotel nitong nakaraang November 11,2022.

Ang COOPNET ay ang tumatayong network solution na pangunahing nilikha para sa mga financial entities na mag uugnay sa mga bangko, Bancnet, e-wallets, at remittance centers upang mag facilitate ng mga nakokolektang payment at disbursement ng mga kustomer. Ang QR technology ay powered ng QRPh, ang National QR Code standard ng bansa ay regulated ng Bangko Sentral ng Pilipinas ( BSP).

Mangyaring i-download lamang ang COOPNET Mobile App at COOPNET.online, sa Google play store, Apple app store, o App Gallery; maaring gamitin ng mga Filipino ang CTMs para mag cash in, cash out, pay bills, buy e -load, at transfer funds sa pamamagitan ng pag generate ng QRPh code sa pamamagitan ng nasabing application.

buhat sa mga larawang kinunan ni Joel Solante.///michael balaguer, 09262261791, michaelbalaguer@yahoo.co.uk at konekted@diaryongtagalog.net