MATAGUMPAY na nagtapos ang Dental and Medical Mission n pinangunahan ng Region 3 Central Luzon Media Association Bulcan Chapter (R3CLMABC) kasunod ang buwanang Directorate Meeting ng samahan na nitong buwan ng Agosto ay ginanap sa bayan ng Doña Remedios Trinidad sa Bulacan.
Kabilang sa mga nakibahagi ay ang samahan ng Philippine Dental Association Bulacan Bulacan o ng Kapisanan ng mga Dentista sa Bulacan (KADEBU), Philippine Dental Association Laguna Chapter at ang Sta. Cruz Dental Club.
Sa bahagi naman ng tulong Medikal ay nakibahagi ang mga kapatiran ng UP Beta Sigma Fraternity Quezon City Assembly at ang pakikipagtulungan sa seguridad ng 48th Infantry Battalion ng Philippine Army.
Ang venue ay ginanap sa covered court ng Barangay Camachile at ang pangunahing benepisyaryo ay ang mga katutubong Dumagat ng Barangay Camachin kung saan umagapay rin naman ang Municipal Health Office ng Doña Remedios Trinidad.
Naserbisyuhan ng oral care, mga pagbubunot ng ngipin at pagtuturo sa tamang pagsisipilyo ang humigit kumulang 500-1000 katao kabilang na duon ang mga katutubo at mga mahihirap na pamilyang sinundo pa ng army buha sa kabundukan ng Camachin.
Lubos naman ang pasasalamat nina Bgy Captain Roberto Sembrano ng Camachin sa nasabing Medical at Dental mission ganundin ay nagpapasalamat rin si Bgy Captain Rogelio Resigurado Jr na nagkaloob ng venue.
Gayundin pinasasalamatan ng mga tao sina 1st LT Dennis Moreno ng army sa seguridad ay pagsundo sa kanila, kaparehong pasasalamat kina Dr. Anabelle Santos ng KADEBU at Dr. Roy Afurong ng PDA Laguna pati kay Dr. Rene Dela Cruz ng UP Beta Sigma kasama ang artist na si Mr. Kokoy Aguiluz, Dr. Leah Vardeleon ng DRT MHO. Nagkaloob naman ng kanilang mga tulong ang mga kumpanyang Johnson and Johnson’s,
, sina Mr. Rheez Chua, ALC Group of Companies, MACROPHARMA, ang lungsod ng Meycauayan, ag DZRJ 810Khz AM “Yesterday, Today and Tomorrow Radio Show”, www.diaryongtagalog.net at ang mga representante ng 6 na lalawigan ng Region 3 Central Luzon Media Association (R3CLMA) sa pangunguna ni President Jess Malvar kung saan pagkaraan ng nasabing aktibidad ay duon rin ginawa ang kanilang monthly directorate meeting.///Michael Balaguer
Samantala, Sa Lungsod ng San Fernando sa lalawigan ng Pampanga, ang kinalalagyan ng Regional Office ng Department of Science and Technology (DOST) sa Region 3 o Gitnang Luzon ginanap ang Regional Invention Contest and Exhibit para sa taong ito ng 2015 kabalikat ang Technology Application and Promotion Institute (TAPI) at ang Industrial Technology Development Institute (ITDI) kung saan ang mga makabagong likha ng ating mga magagaling na imbentor at mga mag aaral na nagpapaka dalubhasa sa mga asignaturang agham ay naroon at nakibahagi.
Sa nasabing aktibidad ng kagawaran ng agham aat teknolohiya sa gitnang Luzon ay nanguna ang Director ng DOSTR3 na si Dr. Victor B. Mariano Jr. at ang Director din ng TAPI na si Engr. Edgar Garcia, sa nasabi ring aktibidad ay sinasagot nila ang samut saring katanungan ukol sa kung ano ang maitutulong ng DOST sa mga imbentor sa rehiyon.
Samut-saring mga imbensyon at teknolohiya ang nakita sa nasabing exhibit gaya ng iba’t-ibang uri ng teknolohiya na ginamit sa pag innovate sa kalan de uling kung saan ang ginagamit na fuel ay uling pa rin ngunit ginagamitan na ng blower
Upan mas ma regulate ang init at maa maximized ang gamit ng uling. May mga ipinamalas ding teknolohiya ang mga mag aaral buhat sa ibat ibang paaralan at pamantasan ng gitnang Luzon gaya ng isang sapatos na baliktaran.
Sa coverage ng www.diaryongtagalog.net , DZRJ 810 khz am, mga pahayagan ng Gitnang Luzon partikular ang mga miyembro ng Pampanga at Bulacan Chapters ng Region 3 Central Luzon Media Association, kasama rin sa nagkober ay mga miyembro ng Region 3 Central Luzon Media Association Bulacan Chapter (R3CLMABC), kagaya nina Ronald Castro ng Bulacan Bulletin, Ellen Manuel ng Bulakenyo, Chona Ventus ng DWSS, Aida Rubio ng Latigo at Mary Jane Olvina-Balaguer ng DZR 810 khz am na Pangulo ng R3CLMBC///Michael N. Balaguer.
Kaugnay nito, Pitumput isang bahagdang bilang ng mga kalalakihang Pilipino ngayon ay kuntento sa kanilang trabaho, habang tatlumpung bahagdan lamang ang naagsasabing di sila maasaya batay sa Philippine Job Satisfaction Report ng Jobstreet.com.
Kabilang sa mga nagasasabing napakasaya nila ay labinglimang bahagdan, medyo masaya ay limamput limang bahagdan medyo malungkot at limang bahagdan ang malungkot.
Ayon sa ulat pinakamasaya ang mga kawani sa Pilipinas at ang dahilan nito ay sa sahod habang sa ibayong dagat naman ay ang kanilang batayan ay relasyon sa amo kaya nababatay sa pakikitungo sa kanila ng kanilang mga amo.
Pangunhing dahilan pa rin ng pagligaya ng mga kawani sa kanilang kinalalagyang trabaho ay ang kalagayan ng kanilang sahod o kung malaki ang sweldo nia na nakakasapat sa kanilang pang araw-araw na gastusin, batay rin sa detos na nakalap ng Jobstreet, ang pangunahing kina-aayawan naman o kinayayamutan ng mga kawani sa kanilang pinagta trabahuhang kumpanya ay ang mababang sahod at kakulangan ng mga benepisyo.
Ang Jobstreet ang number one job site sa bansa ngayon na pinupuntahan ng mga nagnanais maghanap ng trabaho maging pang local man o abroad at sila rin ang nag organisa ng isang pulong balitaan kamakailan kung saan kanila ngang inihayag ang nasabing balita.///Michael N. Balaguer