RaincheckPH, ang kauna unahang app na panghanda sa ulan, inilunsad ng Voyager

DSC00427DSC00432 DSC00431

Mandaluyong City, Pilipinas- Inilunsad ang isang gawang pinoy na mobile app na magsusulong ng kahandaan sa ulan at mga sakuna, nilikha ng kumpanyang Voyager Innovations Inc. (Voyager).

Ito ang RaincheckPH na maari nang i-download ng libre sa googleplay. Ang mga datos na ibibigay nito ay batay sa Project NOAH (Nationwide Operational Assessment of Hazards) ng DOST (Department of Science and Technology). Maari raw mahulaang nang RaicheckPH na tama at tiyak na 95% ang posibilidad na bumagsak ang ulan sa isang particular na lugar sa pagitan ng apat na oras.

DSC00434

Ang app ay maida download ngayon ng may mga android phones, unang hakbang umano upang gawing handa ang mga Pinoy sa pagdating ng mga malalaking sakuna at kalamidad.

Kung magiging handa umano ang mga tao sa mga magaganap na sakuna ay maaring maiwasan ang mga panganib na nagging dulot ng nakaraang bagyong Yolanda. Tinatayang nasa 70 lungsod sa buong bansa ang nasasakupan ng inaabot nitong RaincheckPH app at ang gagawin nito ay mga mabilis na babala sa pamamagitan ng mga pop-up notification sa lugar na inaasahang babagsakan ng ulan sa susunod na apat na oras.

DSC00428DSC00433

Sapat lang na oras upang ang mamamayan ay makapaghanda at maging handa ayon kay Dr. Mahar Lagmay, Executive Director ng Project NOAH kasama ni Benjie Fernandez, Chief Operating Officer ng Voyager. (mike balaguer)