Responsible Traffic Enforcer at CSJDM.. Good Job; Pulong balitaan ukol sa nalalapit na 2018 ASM ginanap at 66th FAMAS nominee victory party dinaluhan ng mga bituin


Responsible Traffic Enforcer at CSJDM.. Good Job!!!*

These  traffic enforcers that even  on a super intensity of the heat of the
day and even heavy rains  still do their job for the little salary that
they got,  yet other drivers used to  scold them due to  a messy
traffic  encountered
every day.

The  two responsible traffic enforcers  are  Roger Go  and  Jenriel  Cheng  was
headed by  Mr Jesan  Idquila  -  Sector  Commander  of   Barangay Muzon and
 Roberto “ Bobby”  P. Esquivel – Executive Assistant IV Head Of  CTM-SCOG
of  The Rising City  Of  San Jose  Del  Monte Bulacan and under the local
government of  Mayor  Arthur  B. Robes, Vice Mayor Efren Bartolome  Jr.  and

--Congresswoman  Florida  “Rida”  P.  Robes. Keep up your good work (Nez Aguilar)

PULONG BALITAAN UKOL SA NALALAPIT NA 2018 ANNUAL SCIENTIFIC MEETING NG NATIONAL ACADEMY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY GINANAP SA QUEZON CITY CIRCLE

Ilang araw bago ang inaabangang 2018 Annual Scientific Meeting ng N ational Academy of Science and Technology ay ginanap ang pulong balitaan ukol dito sa Quezon Memorial Circle sa lungsod Quezon.

Pinangunahan ng NAST Philippines Vice President Academician Dr. Fabian Dayrit ang nasabing aktibidad kung saan ipinakilala nila ang apat na bagong mga magiging miyembro ng prestihiyosong samahan ng mga dalubhasang siyentista ng bansa.

Buhat sa ibat ibang disiplina ang nasabing mga dalubhasa kung saan kabilang ang experto sa palay na si Dr. Glen Gregorio na siya ring kasalukuyang Pangulo ng Outstanding Young Scientists.

 

————————————————————————————————————-Dinaluhan ng mga kilalang bituin sa pinilakang tabing, telebisyon, teatro at mga dukumentarista ang nominee victory party ng 66th Filipino Academy of Movie Arts and Sciences o ang prestihiyosong FAMAS awards.

Pinangunahan ng kasalukuyang Pangulo ng Famas Ms. Francia Conrado ang paalatuntunang sinimulan sa paggawad ng mga plake sa mga nominado pa lamang sa nasabing patimpalak. Naroon ang dating Pangulo na si Eloy Padua at batikang manunulat sa pelikula at telebisyon Ginoong Ricky Lee at nagsilbing guro ng palatuntunan ang aktor na si Lance Raymundo. 

Beteranong mga artista ang nasilayan sa nasabing okasyon kabilang sina Bembol Roco, Ricky Davao, Dexter Doria, Yayo Aguila kabilang din ang mga aktor at aktres na sina Jolit Lorenzo, Edgar Allan Guzman, Mon Confiado, Allen Dizon, Noel Comea Jr., Julia Barretto at Joshua Garcia.

Kabilang rin sa mga nagsidalo ay sina Ms. Alice Reyes ng ALIW Awards at Ms. Madonna Sanchez na Executive Producer ng FAMAS. Katumbas ng FAMAS ay ang OSCARS sa America at sa nasabing parangal, mai nominate lamang ang isang aktor ay isang malaking karangalan na, dito sa bansa, maituturing na isang “achievement” sa isang artista kung ang pag arte nya ay wika nga “pang- FAMAS”, ibig sabihin ay maituturing siyang isa sa pinakamahusay. Sundan sa ALIWAN Page