Odiongan, Romblon-Kabilang ang DOH MIMAROPA sa isang multi sectoral stakeholders na nagkita kita sa nakaraang oryentasyon sa Screening Assessment at Referral ng mga gumagamit nang ipinagbabawal na gamot na ginanap sa bayan na ito kamakailan.
Tunay na isang lumalalang suliraning panlipunan ang ipinagbabawal na gamot at ang pagsugpo rito ng pamahalaan ay isang mahaba at magastos na paraan kung saan ang mga salapi ng gobyerno na dapat gugulin sa mga mas mahalagang gampanin ay nauuwi sa pagtatayo ng mga pasilidad na gagamitin sa paggamot sa karamdamang dulot nito.
Kabilang sa mga multi sektoral na stakeholders na nagkita kita sa bayan na ito ay ang Department of Health ng Region 4B o MIMAROPA, ang kapulisan sa bahaging ito ng rehiyon, ang kagawaran ng edukasyon, pamahalaang lokal at mga civil society at mga mamamahayag na inimbita upang saksihan ang nasabing mahalagang aktibidad.
Sa takbo ng aktibidad unang tinalakay ang pandaigdigang sitwasyon ng pag aabuso sa iligal na droga at ang mga ginagawang hakbang ng mga bansa upang lutasin ang nasabing suliranin kasunod ay ang mga legal na aspeto ng paggamot at rehabilitasyon at ang huli ay nagkaroon sila ng workshop upang maalaman kung gaano sila natuto sa mga pagtuturo ng mga tagapagsalita hanggang sa presentasyon ng mga kaso at mga hakbang na gagawin.
Flagship program ng Duterte administration ang pagsugpo sa iligal na droga at sa dami nang bilang ng mga napapatay sa Oplan Tokhang ng mga pulis at tila nadaragdagan pa ang bilang ng mga biktima o bahagya lamang na nababawasan, totoong isa itong pandaigdigang suliranin ngunit aminado ang gobyerno lalo ang pulisya na di nila inaasahang lubhang napakalaki ng bilang nang mga biktima nito at ang suliranin ng pagtatayo ng mga rehabilitation facilities ay naka atang sa balikat ng kagawaran ng kalusugan na siyang aktibong iniimplimenta ng DOH MIMAROPA sa pangunguna ni Dr. Eduardo Janairo bilang Regional Director kaagapay ang ibat-ibang stakeholders.///Michael Balaguer
5 PDEA OFFICIAL, NASA FLOATING STATUS
INILAGAY sa floating status ngayon ang limang matataas na opisyal ng
Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos maakusahang protector ng
mga high-profile drug personalities sa kanilang nasasakupan.
Ito ang ibinunyag ni Director Derrick Arnold Carreon, Head ng Public
Information Office (PIO) at Preventive Education and Community Involvement
Service (PECIS) ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ginanap na
Newsbreak forum ng Manila City Hall Press Club (MCHPC) sa Cherry Blossom
Hotel and Restaurant sa Ermita, Manila..
Pansamanta munang hindi pinangalanan ang limang mataaas na opisyal na
pawang may ranggong director habang isinasagawa ng imbestigasyon at upang
hindi rin sila mailagay sa paghuhusga ng publiko.
Paliwanag ni Carreon na bahagi ito ng “paglilinis” sa kanilang hanay.
“That is part of our internal cleansing. We have five directors now under
probe and they were placed on floating status pending the results of the
fact-finding investigation,” ani Carreon.
“Two of them were just recently sacked. The latest was two months ago. Two
were regional heads,” dagdag pa ni Carreon.
Samantala, sinabi pa ni Carreon na marami pang mga pulitiko ang
iniimbestigahan hindi man mga drug lords ay sinasabing mga mga protector.
“We want an air-tight case against them to make sure they will be found
guilty,” ani Carreon .
Dagdag pa ni Carreon na posibleng mayroon pang mga drug laboratories sa
bansa ngunit hindi pa ito tuluyang nadidiskubre at naiimbestigahan. GENE
ADSUARA
——————————————————————————————————-
UK Envoy Says Some Plus On Duterte Admin
Quezon City- The Ambassador of the United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland here in the Philippines suggested positive notes on President Rodrigo Roa Duterte’s foreign policies.
Speaking before the press in a recent media conference held at the historic Kamuning Bakery and Café, tagged as the oldest “pugon” style bakery in Quezon City and owned by Journalist and entrepreneur Mr. Wilson Lee Flores;
His Excellency Ambassador Asif Anwar Ahmad says that the country should always connect to the world.
Further, it is not wrong to have an independent foreign policy for indeed the country is an independent nation state so she should have one but it does not in anyway proclaim isolation from either the eastern or the western world and at most she should befriend all nations because historically, the Philippine is one of the founding signatories of the United Nations.
Its policies should forge cooperation and understanding because nowadays the world considers the Philippines as an emerging power both politically and economically. Aligning with Russia and China, the Ambassador says is not wrong but the country should not cut its ties with the United States of America.
Sources says that the UK is the leading Foreign Direct Investor in the Philippines spanning decades of business ventures ranging from Liquefied Natural Gas, Consumer Products, Banking and Finance, Tourism and other related markets.
The Ambassador also explains his stand on death penalty, the extra judicial killings in relation to the drug menace and his advocacy on human rights.
He says that the root cause of the drug problem is money and cutting the flow of money from the manufacturers to the street level will surely bring the drug market down.
He also says that countries detach from globalization because the find no benefits from it.///michael balaguer