sa 2015 mga mdg’s di pa naisasakatuparan, after nito, bago na namang framework?; footbridges at road widenings proyekto ng DPWH sa Bulacan at DOST-SEI YES awarding ginanap


MILLENNIUM DEVELOPMENT GOALS NG PINAS DI PA TAPOS, AFTER 2015 ANO NA?

Quezon City, Pilipinas- Hamon umano ng pagbabago ng klima ang muli na namang binuksan sa pulong balitaan kamakailan ukol sa kung ano ang magaganap pagkatapos ng 2015 kung saan ang itinakdang deadline upang tuparin ang sinasabi ng United Nations na mga Millennium Development Goals.

Marami sa mga ito, halos sa walong itinakdang goals ay kung hindi pa tapos ay hindi pa nasisimulan, natural na sabihin ng mga proponents at implimentors nito na malapit na silang matapos ngunit tanging sa papel lang ito at sa mga datos na buhat sa mga dalubhasang nasa loob lamang ng apat na sulok na silid ng isang silid aralan sa isang prestihiyosong pamantasan.

Hindi naman nagkukulang ang pagsisikap ng mga kinaukulan, mga taga gobyerno at pribadong sektor na tuparin ang nasabing mga goals pero ang makikita sa ibaba o sa grass root ay iba kaysa mga nilalaman ng ating mga position papers, mga resolusyon at mga programang i iimplimenta.

Sa pulong balitaan ay naimbitahan ang country coordinator ng United nations Development Program na si Dr. Luiza Carvalho at tinalakay ang ukol sa mga ginagawa nila upang matugunan ang mga suliranin ng bayan sa harap ng kalamidad, partikular sa Leyte at Samar.

Isa rin sa bisita ay si Hon Lord Jack McConnell of Glenscorrodale, ayon sa kanya ay dapat na tutukan ng mga policy maker natin ay ang banta ng pagbabago ng klima at ang suliranin sa kahirapan ay nauuwi rin sa suliranin ng pagbabago ng klima kaya bagaman di kabilang sa prayoridad ng gobyerno ang ukol sa pangangalaga sa kalikasan dapat na bigyan ito ng pansin.

Ang magkasunod na video ukol sa ginanap na pulong balitaan. Ayon sa dalawang dayuhan, dapat na umanong lumikha muli ng bagong framework paras a continuity sa kabila ng di pa tapos ang Millennium Development Goals.

SAMANTALA

Maraming ginagawang pagawaing bayan sa Lungsod ng Malolos, gayundin sa pangkalahatan ng unang distrito ng lalawigan ng Bulacan. Mga tulay na ginagawa dahil nasira o mga tulay na ginagawa dahil kailangan pang patibayin upang sa panahon ng kalamidad ay mapakinabangan ng mas maraming tao.

Binanggit ni Engr. Ruel Angeles, district Engineer ng Department of Public Works and Highways Bulacan 1st District na kaya iilan lang ang ginagawang foot bridges dahil sa tinatantya rin ng gobyerno kung gaano karami ang makakagamit nito. maaring marami ngang tao ngunit di naman lahat ay tatawid, kung may paaralan man sa lugar, ikikukunsidera rin umano ang bilang ng mga mag aaral.

May mga pagawaing bayan rin na di sakop ng kanilang responsibilidad o ng lalawigan kundi nasasakupan ito ng regional office, maraming ibinabato sa kanilang sisi na di naman nila nasasakupan bagkus ay sakop ng regional offices ng DPWH o ng kapitolyo ng Bulacan.

KAUGNAY NITO

Ginanap kamakailan ang isang pagbibigay ng parangal na pinangunahan ng Department of Science and Technology-Science Education Institute (DOST-SEI) tungkol sa mga mag aaral sa agham at matematika.
Ito ang Youth Excellence in Science (YES) giananap nitong Ika-12 ng Pebrero 2014, 8:30 AM sa Unibersidad ng Pilipinas at nanguna rin sa pagbibigay ng parangal na ito ay ang National Institute for Science and Mathematics Education Development (NISMED) Auditorium, UP Diliman, Quezon City.
tinatayang nasa 400 elementary and high school students ang dumalo na nagwagi ng gold, silver at bronze medal sa ibat ibang  international science and mathematics competitions taong 2013 ang mga tumanggap ng YES Medal.
Ang seremonya ay binigayang parangal ang mga mag aaral sa Kamaynilaan o National Capital Region. Samantala ang mga DOST Regional Offices ay magsasagawa ng special ceremonies sa ibat ibang petsa upang bigyang parangal ang mga mag aaral buhat sa ibat iba ring rehiyon.
Ang YES Award ay isang taunang nagbibigay parangal na ipinagkakaloob ng kagawaran ng agham at teknolohiya – Science Education Institute sa mga mag aaral na nakakuha na ng medalya sa mga international science and math competitions. (mike balaguer)