Blood Letting regular Malolos kaakibat ang 6 IT-BPM Companies na operational ayon kay Mayor Christian Natividad; sama samang pagdo donate ng dugo at isa sa mga Most Supportive Local Chief Executive sa PNP

 

Regular daw ang ginagawang blood letting sa lungsod ng Malolos ayon sa panayam ng www.diaryongtagalog.net sa Punong Lungsod na si Atty. Christian Natividad kamakalawa. Ayon sa kanya, nakakalungkot na sa kabila ng lagi silang nagsasagawa ng pagdo donate ng dugo sa pangunguna ng ibat-ibang sector sa kanilang lungsod ay di raw sila nabibigyan ng parangal ng Sandugo Awards.

Pagbibiro ng Punong Lungsod sa mga mamamahayag na kabilang ang www.diaryongtagalog.net na makikita ang kabuuan sa videong kuha mismo sa nasabin panayam, mabuti naman umano ito kahit di sila mapansin dahil ang tunay na layunin naman ng mga katulad na Gawain ay ang makatulong sa mga tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng dugo sa nangangailangan.

Ayon sa Mayor, ang mga nakukulekta nilang dugo ay kanilang dagling ipinadadala sa mga blood banks upang kung may mangailangan ay naryan at handing ipagkaloob. Napag alamang isang napakabuting paraan ng tao ang magdonate ng dugo dahil sa pagkawala ng sobrang dugo ng isang tao ay ginagawang lumikha ng bagong dugo ang katawan.

Nagsisilbing bagong buhay o nagkakaroon ng bagong sigla ang katawan ng sinumang magdo donate ng dugo, isa pa ay isang napakabuting kaparaanan upang tumulong sa tao ang pagdodonate ng dugo dahil maging mayaman o mahirap ay kaya itong gawin basta malusog lang ang pangangatawan at walang anumang karamdaman./// Michael balaguer

Samantalang may anim na umanong mga call centers o yaong mga kumpanyang kabilang sa information technology business process management o IT BPM ang nakatayo sa lungsod ng Malolos ayon mismo ito sa ginawang panayam ng www.diaryongtagalog.net kay Mayor Christian Natividad kaalinsabay ng pagkuha ng update ukol sa ginawa nilang blood letting.

Ayon kay Natividad, dahilan nga sa kasama ang kanilang lungsod sa mga tinaguriang Next Wave Cities para sa mga IT BPM ay may anim na ngayong nakatayong BPO sa lungsod at isa rito ay ang BPO ng mga Hapones na arkitekto, ang buong paliwanag ng Punong Lungsod ukol sa nasabing balita ay makikita ng buo sa video nitong buhat sa www.diaryongtagalog.net .

matatagpuan umano ang BPO ng mga Hapones sa Cabanas sa Bgy. Longos ng nasabing lungsod habang ang iba pa ay sa ibat ibang bahagi ng lungsod. Ang karamihan sa mga BPO ay mga non voice o hindi yaong mga taga sagot lamang ng telepono./// Michael balaguer

 

 

sama samang magdodonate ng dugo ang ibat ibang stakeholders ngayong darating na oktubre 4 sa pangunguna ng pamahalaang lungsod ng Malolos kasama si Mayor Christian Natividad.

Tuloy na tuloy na ang SAHANDUGOAN 3! Inaanyayahan ang mga nais na mag donate ng dugo ara sa mga kababayang nangangailangan bilang pandugtong-buhay. May mga ipagkakaloob ring grocery items at ito ay sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos, CMMARON, Malolos Rescue Squad, Alpha Kappa Rho, KAP at ilang piling sponsors at Philippine National Police

isang pasasalamat an ipinararting ng Bulacan Blood Bank employees at sa ating City Health Office na mangangasiwa sa blood letting. Inaanyayahan ang lahat na makiisa upang makatulong sa ating kapwa Malolenyo at kabuuang mga BUlakenyo. /// Jane Olvina-Balaguer
image

 Malolos City Mayor Christian D. Natividad received the award as one of the Most Supportive Local Chief Executive to the Philippine National Police, last August 26, 2014 at Camp Olivas Pampanga. Three other Mayors in Region III received the award (Floridablanca Pampanga, Laur Nueva Ecija and Dinalungan Aurora).The Governors of the provinces of Bataan, Tarlac, Bulacan, Nueva Ecija, Zambalez, Pampanga and Aurora were also recipient of the said award. Also in the picture is PNP Regional Director, General Raul Petrasanta and Aurora Governor Gerardo Noveras.

 

malolos city story bayanighan