Blood Letting ng Damayang Filipino kasama si Vice Gov. Daniel Fernando; San Santiago ang Martir na Apostlol at Vice Governor Daniel Fernando kasamang namigay ng mga water pumps pang irigasyon


Ginanap kamakailan sa Bulacan Provincial Capitol Gymnasium ang blood letting na pinangunahan ng Damayang Filipino kasama si Bulacan Vice Governor Daniel Fernando. Nasa 87 ang mga indibidwal na nakapag donate ng dugo buhat sa ibat ibang sektor na may ibat iba ring tipo.

Kabilang sa mga nakapag donate ay mga mag aaral, mga miyembro ng Guardians Hagonoy Chapter, mga miyembro ng Bureau of Fire Protection at ibang taga media na nakagawian nang mag donate ng dugo bilang isang makabuluhan at healthy na gawain.

 

Ayon sa mga dalubhasa sa larangan ng medisina, ideal sa isang taong malusog ang mag donate ng dugo kada tatlong beses isang taon upang makapag palit ng dugo ang katawan, makagawa muli ito ng bagong dugo na dadaloy para sa isang malusog na pangangatawan.

Sa kabila nang sa ibang kultura at pananampalataya ay ipinagbabawal ang pagdo donate ng dugo ay mas nakararami naman ang nainiwala na sa maliit na paraan ng pagkakaloob ng sarili mong dugo sa nangangailangan nito ay may maari kang madugtungang buhay kahit wala kang salapi na kailangang itulong at sa katunayan ay mas matimbang pa sa ibang mabuting gawain ang pagkakaloob ng dugo.///Michael N. Balaguer

download

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Santiago Apostol ang martir na apostol ang naturang sambit sa kanyang homilya ng kanyang kabunyian Obispo Oliveros. Masaya at simpleng pagdiriwang ng Kapistahan ni Santiago Apostol sa bayan ng Plaridel ay ginugunita noong nakaraang Hulyo 25 sa   Karangalan ng pintakasi ng naturang bayan na si Santiago Apostol. Ang pagdiriwang ng Parroquia De Santiago apostol Fiesta 2016 ay maluwalhating itinataguyod ng HERMNIDAD sa pangunguna ng HERMANAS MAYORES o Pangulo ng Pistang Bayan na siya ring Punong Bayan ng Plaridel ang Kgg. Jocell Vistan – Casaje.

Ang panaog ng mahal na Poong Santiago Apostol sa tahanan ng naturang Punong Bayan ay masayang isinagawa. At sinundan ng prusisyon na may indakan sa kalye ng mga mananayaw kasaliw ng pag tugtog ng banda ng musiko patungong kabayanan ng Plaridel at pagsapit sa parokya ay isinunod agad ang Misa conselabracion na pinangunahan ng kanyang kabunying Obispo oliveros kasama ang mga kaparian ng Bulacan. Ito ay isa sa ipinagmamalaki ng bayan ng Plaridel dahil sa makulay na pagdiriwang tuwing sasapit ang Kapistahan ni Santiago Apostol.

Ang maklay na selebrasyon sa taunang paggunita ng mahalagang tradisyon ay isang kayamanan pa ng mga taga sang kayamanan pa ng mga taga plaridel mula pa noong panahon ng mga Kastila. VIVA SANTIAGO APOSTOL/// Jon-Jon P. Salvador

Kaugnay nito ay kasamang namigay sa mga magsasaka at may ari ng mga palaisdaan ng ilang units ng water pump pang irigasyon si Vice Governor Daniel Fernando.

Napaka halagang kagamitan sa kabukiran ang water pump lalo na yaong di nabibigyan ng irigasyon na mga kabukiran kaya nakipagtulungan ang pamahalaang panlalawigan at ang panlalawigang tanggapan pang agrikultura sa pamamagitan na rin ng tanggapan ng ikalawang punong lalawigan upang maisakatuparan ang pamimigay ng nasabing mahalagang farm implement.

Mga magsasaka buhat sa 24 kabayanan at lungsod ng lalawigan ang nakikitang kasama ng mga opisyales ng probinsya sa napakahalagang araw kung saan sila ay mabibigyan na ng water pump.

Ang water pump sa mga magsasaka ay nagsisilbing tagapag sipsip ng tubig mula sa ilog upang mapadaloy sa kani kanilang mga kabukiran at sa mga may palaisdaan naman ang silbi ng pump ay kung gustong limasin at punuan ang kani kanilang mga palaisdaan ng tubig mula sa ilog.///Michael balaguer