Science and technology fair gaganapin sa CSU-Carig; Maraming nagtapos na S&T scholars at Environmental changes susi para maiwasan ang non-communicable diseases, ayon sa DOST Academician

dost region two etc

Science and technology fair gaganapin sa CSU-Carig; Maraming nagtapos na S&T scholars at Environmental changes susi para maiwasan ang non-communicable diseases, ayon sa DOST Academician

Nakatakdang ganapin ang Luzon Science and Technology (S&T) Fair ngayong Sept. 2-4 sa Cagayan State University-Carig Campus sa Tuguegarao City, Cagayan. Mararansan ang isa pang bahagi ng agham kung saan maraming matututunan katulad ng Science Education Institute Science Explorer ,ang maituturing na kaunaunahang mobile science learning facility ng bansa.

Maipapakita naman ng mga mag aaral ang kanilang kagalingan sa gaganaping mga S&T Quiz para sa elementary at secondary levels. samantala, ang mga mahilig sa agham, pamilya, negosyante, at mga taong nais matuto pa ng agham ay maaring bisitahin ang mga exhibits, technology fora, trainings, at seminar na bukas para sa lahat.

Sa tema nilang iinog sa “Philippines: A Science Nation Meeting Global Challenges,” ang nasabing tatlong araw na aktibidad ay naglalayong bigyan ang madla ng personal  na karanasan pang S&T  at itaas ang kanilang kaalaman sa mga programa ng bansa tungo sa pagiging science nation sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga mamamayang may kaalaman sa agham.

Inorganisa ng Department of Science and Technology, an g S&T fair ay magpi feature din ng Blessing at paglulunsad ng Food Innovation Center, pangalawa na magkakaroon ng ganitong pasilidad sa bansa. Ang nasabing center ay magsisilbing hub para sa inobasyon at  magkakaloob ng suportang teknikal para sa industriya ng pagkain sa  rehiyon.  Ang una sa mga nasabing Center ay inilunsad sa Davao City nitong nakraang May ng taong ito, ang Cagayan-based Center ay naglalayong i-transform ang mga kunsepto sa produkto.

Ang iba pang aktibidad ay IEC on technologies, sports fest, at  seminar-workshop ukol sa weather information para sa mga broadcasters. ang Luzon S&T Fair ay libre at bukas sa madla. Para sa karagdagang impormasyon ay maaring makipag ugnayan sa DOST II at (078) 876-7241 o 304-8654, o bisitahin ang tanggapan ng DOST II sa Dalanna Paccorofun panulukan ng Matunong St., Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City. ///Michael balaguer (batay sa impormasyon buhat sa S&T Media Service ng DOST)

-30-

Inaasahang tataas pa ang mga magnanais na kumuha ng Graduate scholarship na ipinagkakaloob ng Department of Science and Technology – Science Education Institute (DOST-SEI) sa susunod na taon.

Bunsod nito ay inaanyayahan ng Accelerated Science and Technology Human Resources Development Program – Science Education Consortium (ASTHRDP-SEC) ang mga pamantasan sa Luzon na nagkakaloob ng mga master’s at doctoral programs sa Science at Mathematics Education (SME).

Sa nakaraang 2014 National Science and Technology Week celebration, isang Memorandum of Understanding sa pagitan ng mga miyembro ng mga pamantasang kabilang sa ASTHRDP-SEC ang nilagdaan kung saan opisyal nang isasama ang Ateneo de Manila University, Bicol University, Central Luzon State University, De La Salle University, Mariano Marcos State University and Philippine Normal University sa National Consortium in Graduate Science and Mathematics Education, na ibibilang na sa mga original members – West Visayas State University, University of San Carlos, Western Mindanao State University, and Mindanao State University – Marawi City.

Ang paglawak ng consortium ay nagpapahiwatig ng maraming graduate scholarship slots sa SME courses sa mga susunod na taon. Pinangunahan ni DOST Undersecretary Fortunato de la Peña ang nasabing pagpapalawak para sa SEI. Nagsipag lagda rin sa nasabing MOU ang mga Presidente ng 10 mga pamantasan.  Batay sa pahayag ni SEI Director Dr. Josette Biyo binate niya ang  mga bagong miyembrong pamantasan na nangakong tutulong upang makalikha ng pool of world-class experts sa science and mathematics education.

“We are grateful for these new member-universities’ commitment to share their resources in making sure that we produce quality graduates in master’s and doctoral programs and in addressing defined needs in SME for developing national competitiveness. All these, we achieve with the help of the national consortium,” ayon kay Biyo.  Nilinaw pa niyang ang pinalawak na scholarship ay magpapalakas sa research and development (R&D) sa bansa lalo sa SME.

“The whole science community agrees that R&D remains to be the most critical driver of development. Through the expansion of the ASTHRDP-SEC, we are confident that we are sustaining and igniting even more the culture of R&D in the country among science and math teachers. We shall remain in the lead role in promoting R&D and innovation among the members of this critical sector of the S&T human resources as our primary strategy to contribute in nation building,” pahayag muli ni Biyo. Samantala sabi ng DOST-SEI na ang mga graduate scholarship slots ay ihahayag sa June ng 2015.///Michael Balaguer (batay sa impormasyong buhat sa SEI-DOST at STII-DOST S&T Media Service)

-30-

Para kay National Academy of Science and Technology (NAST) Academician Antonio Miguel L. Dans, walang anumang edukasyon ukol sa pang kalusugan o pagpapayo ang maaring makapagpabago ng istilo ng buhay upang maiwasan ang mga sinasabing non-communicable diseases (NCD) gaya ng cancer, heart disease, stroke, COPD, at dementia.

Sa halip ayon kay Dr. Dans, isang cardiologist and University of the Philippines College of Medicine professor, iminungkahi niya ang pagbabago sa kapaligirang ginagalawan upang mai iwas ang tao sa kanyang nakasanayang istilo ng buhay at kalagayang pangkalusugan.  Ang tinutukoy na kapaligiran ay hindi lamang ang lugar na kinalalagyan ng pasyente kundi pati sa mga tao na nakapaligid sa kanya pati ang mga patakaran na nagkakaroon ng impluwensya sa kanyang buhay.

Ang kanyang mungkahi ay nabanggit nitong nakaraang NAST-sponsored round table discussion (RTD) sa Hyatt Hotel, Manila nitong nakaraang August 19, 2014. Ang NAST ay isang advisory body ng Department of Science and Technology (DOST).

“We eat unhealthy because unhealthy food is cheaper. For a cheaper price, you can get a burger while salads are more expensive. We don’t exercise because there is no place to exercise. If you jog (on the street)… you’ll die – you’ll get run over by cars, you’ll get cancer,” he elaborated during the RTD titled “Health Beyond Health Care: Changing Mindsets for the Control of NCDs.” Fun Runs, on the other hand, are good but when the running event is finished, there is nothing where people can run safely, comfortably, and regularly for the rest of the year. “Go to UP.  You’ll see how people are thirsty to exercise. They just don’t have a place to do it,” iginiit pa niya.

Sa halip ay sinabi ni Dr. Dans na kailangang ipatupad ang mga pagbabago sa kapaligiran gaya ng pagpapatupad ng sin taxes sa sigarilyo at alak na isa sa mga paraan sa labas ng healthcare na makapagdudulot ng malusog na population.

Ang pagsasa batas ng Sin Tax Bill nuong December 2012 ay naghatid ng anim na bahagdang pagbawas sa populasyon ng mga naninigarilyo sa bansa.  Lalo ang bilang n mga naninigarilyo na may edad 10-19 na bumaba ng 25 bahagdan, t ang mga nasa edad naman ng 70 pataas ay may 34 bahagdang pagbagsak. Ang bilang ng mga mahirap na naninigarilyo ay bumaba rin ang bilang.

Ang iba pang pagbabagong pang kapaligiran na iminungkahi ni Dr. Dans y ang pagba ban sa unhealthy foods at lumikha ng maraming P.E. activities sa  paaralan, pagpapatayo ng maraming gym facilities at stand desks sa workplaces, at lumikha ng maraming bike lanes, parks at sidewalksna may katangiang “walkability” gaya ng malinis, may ilaw at ligtas.

“We’re not saying that it (health education) does not work,” remarked Dr. Jaime C. Montoya, executive director of DOST’s Philippine Council for Health Research and Development during the open forum.  “But maybe … we should determine the tipping point. Is it legislation? Or maybe it is in community initiatives,” ayon sa kanya.

 NCDs: a global outlook

Ang Cancer, heart disease, stroke, COPD, dementia, renal disease, osteoarthritis, asthma, cataracts, osteoporosis, at diabetes ay kabilang sa linya ng NCDs na nagiging dahilan ng kamatayan ng 34.5 million katao at ng 52 million kamatayan nitong 2010. Ang mga Unhealthy lifestyles kabilang na ang pagtanda kung saan isang isyu n napahirap unawain ay kabilang rin sa mga dahilan na tumutungo sa NCDs na long-term at magastos.

Binanggit niya ang pag aaral na ginawa ni Dr. Sha Ebrahim et al. published sa Cochrane Database of Systematic Reviews nuong 2011 at gumamit ng 55 clinical trials at 163,471 patients, pinahayag ni  Dr. Dans na ang pagpapayo at edukasyon ay may layuning behavioral o lifestyle changes na nakaka apekto sa pagpapahaba ng buhay upang maiwasan ang NCDs.

Ipinaliwanag ni Dr. Dans na ang na ang health education lang ay di maaring maging epektibo sa laban kontra NCD sa mga dahilang may mga risk factors sa population ay malawakan at matagal, walang banta o nalalapit na panganib dahil may mga puwersa sa pamilihang nag susulong sa kanila. “We need strong policies, legislations, and fiscal interventions which will impact large populations,” dagdag pa niya.///Michael Balaguer (mula sa impormasyong buhat sa NAST-DOST S&T Media Service)