Science-Driven Guiguinto; NRCP at mga Nobel Laureates sa Future Earth at Agromet forecast ibababa ng PAGASA sa sektor agricultural

 

DSC01859

Guiguinto, Bulacan-Science driven project at programs ang ipinatutupad ni Mayor Ambrosio “boy” Cruz Jr. ng bayan na ito, humigit kumulang ang nilalaman ng eksklusibong panayam ng www.diaryongtagalog.net sa kanya kamakailan kung saan ang marami sa pahayag niyang ito ay nasa video.

Bukod sa bantog na “Halamanan Festival” na sinasabing sa kanyang panunungkulan nagsimula, di naman kataka-taka ito dahil talaga naman na mahilig maghalaman si Mayor Cruz, napag alaman sa panayam na may mga programa at proyekto rin sila ukol sa DRRM o Disaster Risk Reduction and Management, particular sa Flood Mitigation and Adaptation dahil may mga barangay silang inaabot rin ng baha sakaling magkaroon ng malakas na ulan.

Bukod sa kilala nang festival na dinarayo na ng mga turista ay nais pa ng pamunuan ni Cruz na pag ibayuhin pa ang kanilang industriya ng turismo kung kayat binanggit rin nito ang balak nilang pag rehabilitate ng kanilang kailugan upang aniya ay maging kagaya ng sa Loboc river sa Bohol.

Pinag iisipan nilang ayusin ang pampang ng ilog at lagyan ng mga kungkretong harang habang sa mga baybayin nito ay pagtataniman ng sari saring puno gaya ng manga upang pigilan ang erosion ng lupa. Dagdag pa ni Cruz, heavily silted ang kanilang ilog na dati ay malapad at malalim ngunit pagdaan ng panahon ay tila naging makitid na at mababaw.

Sa kanilang plano ay maaring magkaroon na ng karagdagang tourist attraction sa kanilang lugar. Nabanggit rin ng alkalde ang interbensyon ng mga makabago raw na gamit nilang kanilang buhat sa ibayong dagat na amay kakayahang alamin kung hanggang saan ang extent ng naganap na lindol, mga makinang kagaya nang sa Philippine Institute of Volcanology and seismology ng DOST at  sinabi pa nilang pinakikinabangan ng kanyang mga kababayan ang LiDAR mapping ng project NOAH ng kagawaran ng agham. (Jane Balaguer)

 

 

Samantala;

Maynila, Pilipinas-Ginanap ang 81st National Scientific Meeting ng National Research Council of the Philippines at dumalo sa kanilang taunang pagpupulong ang mga binigyang parangal ng Nobel

O mga laureates sa bahagi ng agham at teknolohiya. Binanggit ni Dr. Yuan t. Lee na ang hinaharap ng mundo kung ibabatay sa kasalukuyang pagtaya ay malapit na sa pagkasira dahil sa mga nagaganap na pagbabago sa kapaligiran, mga dahilang tao umano ang may gawa at tao rin ang makapagbabago o makapag sasa ayos.

Bukod sa paghalal ng mga bago nilang opisyales sa NRCP ay ang mga presentations na inilahad ng mga researchers, scientists, technologists at innovators na bahagi ng council. Si dating Department of Science and Technology (DOST) Secretary at Chairman ng Association of South East Asian Nations (ASEAN) Foundation na si Dr. Felimon Uriarte ang bagong Pangulo ng NRCP.

Naging bahagi rin ng nasabing aktibidad si DOST USec. Fortunato T. dela Pena bilang moderator at nauna nang nabigyan ng parangal ng NRCP.

Sa kanilang buong paglalahad ng kani-kanilang mga pag aaral ukol sa tinataya nilang kahihinatnan ng bansa o ng mundo sa kasalukuyang set up, sa kabila nito ay nanananatiling positibo ang mga dalubhasa na sa pagtutulungan na rin ng mga tao nakasalalay ang magiging hinaharap ng mundo o maging ng bansa.

Sa pangunang pakikipanayam ng www.diaryongtagalog.net sa isa pang Nobel Laureate na si Dr. Mohammad Hassan sinabi niyang nakakaya naman na gamutin ng kalikasan ang kanyang sarili bunga ng mga sugat na kundi gawa ng tao ay bahagi ng natural na kaparaanan o kalikasan.

Sa halalan ng mga bagong pamunuan at ng bagong mga bumubuo ng governing board marami ang nawala at marami namang bagong pangalan ang naitalaga, kabilang sa nawala ay si Prof. Felipe De Leon ng Humanities.

Si De Leon ay kasalukuyan pa ring Chairman ng National Commission for Culture and the Arts na muling nai talaga sa ikalawang pagkakataon. ang

naatasan ng gobyernong mangalaga sa yamang pang sining at kultura ng bansa at nasa ilalim ito ng tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas. (mike balaguer)

 

 

Kaugnay nito, tunay na mahirap ngang tantyahin kung kikita ang isang magsasaka sa kanyang itatanim kung di niya kayang hulaan kung ano ang ipagkakaloob ng Diyos na lagay ng panahon ilang araw, oras o minutong pagkatapos niyang ihanda ang kanyang sakahan.

Suliraning laging nagbibigay gulo sa pag iisip ng ating mga mambubukid lalo at minsan ay wala silang accesss a tamang pagtaya sa kalagayan ng panahon. Ito ang sinulusyunan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration sa kanilang pagbababa ng agromet forecast sa mga magsasaka o sa sektor agricultural pangkalahatan.

Sa panayam nga ng www.diaryongtagalog.net sa ilang magsasaka sa Bulacan kanilang ibinulalas ang kanilang hinaing lalo kung wika nila ay handa na ang bukid at biglang naiba ang panahon.malaki ang nalulugi sa ating sektor agricultural kung di nila nalalaman ang tamang taya ng panahon dahil hindi anila ito kayang pigilan bunsod nito ayon kay PAGASA Administrator Dr. Vicente Malano sa nakaraang pulong balitaan ukol sa nasabing isyu, sinabi niyang relatibo ang tinatawag nilang maganda o pangit na panahon.

Wika pa niya ang maganda sa iba ay maaring pangit naman sa iba gaya kung umulan, may mga magsasaka na nagnanais na umulan upang mapatubigan ang kanilang mga sakahan lalo kung katatapos lamang ng tag tuyot habang may mga magsasaka naman na nais na mainit lalo kung aanihin na ang kanilang mga saka. Ang agromet program ng ahensya ay upang mabigyan ng babala ang mga magsasaka, mangingisda sa mga bagyo, tag tuyot at iba pang pagtaya ng panahon na lubhang kakailanganin sa kanilang sektor.(mike balaguer)