Sector ng electronics inaasahang lalakas sa pagtatatag ng EPDC ng DOST-ASTI at PCIEERD

DSC00275DSC00276DSC00275

Bicutan, Taguig City-INAASAHANG muling mabibigyang buhay ang lumalakas na industriya ng electronics sa bansa sa pagtatatag ng Department of Science and Technology (DOST) ng Electronics Products Development Center (EPDC) sa pagtutulungan ng Advanced Science and Technology Institute (ASTI), Philippine Council for Industry Energy and Emerging Technology Research and Development (PCIEERD) at pribadong sector, ginanap kamakailan sa punong tanggapan ng kagawaran ng agham sa lungsod na ito.

 

 

Hindi na bago ang mabalitaan na ang  electronics at semiconductors ay ang mga nangungunang industriya sa bansa di lang sa pag papapasok ng salapi sa kaban ng bayan kundi pati sa mga trabahong ibinibigay nito sa maraming Pinoy.

Isang pandaigdigang industriya na gamit-na-gamit sa ating pang araw-araw na buhay at sa natural na galing at creativity ng mga pinoy entrepreneur sa sector na it minarapat ng gobyernong mas palakasin pa ang nasabing industriya sa pamamagitan ng EPDC.

 

 

Makikita ang buong suporta ng kagawaran ng agham sa pamamagitan ni DOST Sec. Mario G. Montejo sa kanyang mga tinuran sa okasyon ng ground breaking ng EPDC sa compound ng Metals and Industry Research and Development Center (MIRDC). Kasunod ang kaunting pananalita buhat sa Director ng ASTI na si Denis F. Villorente at ang representante ng Pribadong Sektor na si Engr. Alexander Sy.

Layunin ng EPDC na makalikha ng mga bagong disenyo ang mga technicians at engineers, technologists na maaring makadagdag sa umaangat nang industriya ng electronics at semiconductors, mga piyesang maaring magamit sa produksyon ng mga computers at consumer electronics at makatulong sa ating mga SME’s na siyang pinagmumulan ng ilang negosyong may kaugnayan sa nasabing sector. Makatutulong ang EPDC sa mga technopreneur ang local na teknolohiya. (Michael balaguer)

 

 

 

DSC00277DSC00278DSC00279