Seminar ng PAGASA-DOST para sa media tumutok sa storm surge

 

DSC00308

Subic, Zambales- Muli na namang nag conduct ng media seminar ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ng Department of Science and Technology (PAGASA-DOST) na ginanap Ika- 6 hanggang 8 ng Disyembre ng taong 2013 sa Seorabeol Grand Leisure Hotel, Lot MC9 Waterfront Road Subic Bay Freeport Zone.

Sa unang bahagi ng tatlong araw na seminar na may layong turuan ang mga mamamahayag ng mga tamang impormasyon sa pag uulat ng panahon, ipinakilala muli ni Ms. Venus Valdemoro, Officer-in-Charge ng Public Information Unit ang kanilang ahensya sa pagpi presenta niya ng profile ng PAGASA, kasunod ang pagtuturo ni Mr. Nino A. Relos, OIC, CARDS/RDTD, itinuro niya ang pagkakaiba ng typhoon, flash flood at tornado.

Ang Rainfall Advisory for Metro Manila ay Yellow, Orange at Red, stages ng wind driven rate na may kinalaman sa pag taas ng alon, calm, smooth, slight, moderate, rough, very rough, high, very high at phenomenal at sinasabing lagpas na sa code ang bagyong Yolanda dahil sa taas ng alon nito.

May nagtanong buhat sa mga participants kung ang impormasyon ng PAGASA ukol sa nakaraang Bagyong Yolanda ay dapat na ipaliwanag pa nila hanggang sa grass root level, ayon sa DOST, ang LGU ang may direktang responsibilidad sa naganap dahil hindi pinansin ng mga mayayaman sa Leyte ang warning ng kinaukulan duon ayon sa kanilang LGU. Kabilang rin sa pinag usapan ay ang tungkol sa astronomiya, isa rin sa mandato na ituro ng ahensya sa mga mamamayan at ang pahapyaw na pagtalakay ukol sa kahalagahan ng oras ayon kay Mr. Mario M. Raymundo, Chief TSU/RDTD. (michael balaguer)

DSC00309