SETUP BENEFICIARIES SA MIMAROPA KARAMIHAN FOODS, DOH AT DOT PATULOY ANG KOLABORASYON SA DOST MIMAROPA AT SYNTHETIC MARBLE PINAG AARALAN NG ROMBLON LGU

TUNAY na talagang walang talo sa pagkain, iyan ang laging sinasabi ng mga food entrepreneurs na nakakausap ng www.diaryongtagalog.net kung papipiliin ng negosyong papasukin bilang isang start up.

Maaring ipagkibit balikat ng ilan ang pananaw ito ngunit sa DOST MIMAROPA ito ay maituturing ng proven and tested dahil sa pagdiriwang ng 2017 RSTW sa Romblon at pagpapakilala ng DOST MIMAROPA RD sa kapwa mga bagong graduate at nagsisimula pa lang sa SETUP sa rehiyon, ang malaking bilang ay nasa food business.

Dahil sa ang kabuuan ng MIMAROPA ay kapuluan, may mga negosyong naka angkla naman sa biyaya ng dagat gaya ng vacuum fried na dilis na matamis at maanghang, bagoong at patis, cakes, biscuits at banana chips, peanut butter at sampalok na kendi at ang nasabing mga entreprenyur na nagsimula sa kakaunting puhunan ay umasenso sa pag agapay at pagtitiwala sa gobyerno.

Ayon sa kuwento ni DOST Sec. Dela Peña, dati ay hindi masyadong nagtitiwala ang tao sa gobyerno marahil sa dami ng mga dokumentasyon at mga pangangailangang dapat isumite. Nabatid na nuong nagsisimula pa lamang sa DOST ang kalihim ay siya ang naatasang mamahala sa mga kaparehong interbensyon lalo ang mga nakikipag ugnayan sa mga entreprenyur kaya marahil gamay na niya ang mga pamamaraan nuong may SETUP na ang DOST.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang programa ng kagawaran at nadaragdagan din ang mga adaptors na sa ibang sektor gaya ng metals at fabrics.///michael balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net 

-30-

DOH AT DOT PATULOY ANG KOLABORASYON SA DOST MIMAROPA

SUSTAINABLE na maituturing ang hatid na return of investment ng turismo sa isang bayan o lalawigan kaya nagkakaroon ng mga serye ng kolaborasyon ang bawat kagawaran ng boyerno at mga ahensya sa ilalim nito upang makipagtulungan sa kagawaran ng turismo.

Bantog sa buong mundo ang mga pasyalan at beach resorts at sinasabing mecca ng mga magagandang tourism destination ang bansa lalo ang mga isla ngunit kasabay ng pagdagsa ng mga bisita ay kailangan din alagaan ng kalusugan ng mga ito na hindi kumalat o mag migrate ang mga karamdamang kaakibat o kasama ng pagdami ng bumibisita at sa bahaging ito naman ay may partisipasyon ang kagawaran ng kalusugan ng bansa.

Nabatid sa nakaraang regional science and Technology Week ng MIMAROPA ngayong 2017 na patuloy ang kolaborasyon ng kagawaran ng agham (Department of Science and Technology) MIMAROPA, Kagawaran ng Kalusugan )Department of Health) MIMAROPA at Department of Tourism para kasabay ng paghikayat ng gobyerno sa dayuhan at lokal na turista na bumisita sa ating mga ipinagmamalaking tourists attractions ay maipagmamalaki rin nating ligtas sila sa mga karamdamang mula sa labas at makapag e enjoy sila ng ligtas sa ating bansa.

Bahagi ito ng mga nilalaman ng ika 10 anniversary AVP ng DOST MIMAROPA sa pangunguna ni Regional Director Dr. Ma. Josefina P. Abilay sa harap ng DOST Sec. Prof Fortunato T. del Peña kasabay ng kanilang 2017 RSTW at RICE na ginanap sa Odiongan, Romblon.///michael N. Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net 

-30-

SYNTHETIC MARBLE PINAG AARALAN NG ROMBLON LGU

ELEGANTE  ang dating kung makikitang ang ipinatayong bahay ay may marmol at sa Bansang Italya, kung ang isang bahay ay may istatwang yari sa marmol ang bahay na iyon ay tinitirhan ng isang kilalang tao sa lipunan.

Ito ang bahagi ng masayang pagsasalaysay ng Punong Lalawigan ng romblon na isa ring doktor sa katauhan ni Dr. Eduardo Firmalo sa pulong balitaang ginawa sa lalawigang itinuturing na marble capital ng Pilipinas.

Dahil ginanap sa Odiongan Romblon at sa romblon Romblon ang mga aktibidad ng 2017 RSTW at RICE nakita ng mga inimbitang mamamahayag na halos lahat ng mga kabahayan sa nasabing lalawigan ay may marmol sa kahit maliit na mga bahagi.

Ayon sa kanilang gobernador, nakikipagtulungan sila sa kagawaran ng agham upang I upgrade ang industriya ng marmol sa kanilang lalawigan upang lalo itong maging competitive sa pandaigdigang pamilihan. Programa rin nilang magkaroon ng maka agham na mga kolaborasyon sa pagsasaliksik upang mapaganda pa ang kalidad ng kanilang mga marmol at pinag aaralan rin nila ang tungkol sa mga sinasabi nilang “synthetic marble” na maaring isang upgrade sa marmol.

Sa huli, hindi lamang marmol ang industriyang pinangangalagaan ng lalawigan dahil nga sila ay binubuo ng sampung mga isla kabilang rin sa programa nila ay ang pangisdaan, mango production, coconut atbp.///michael balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net