SIF sa KALUSUGAN at STAKEHOLDERS gathering isinagawa ng NAST; 42nd ATOMIC energy week pinangunahan ng PNRI at DOST NCR stakeholders summit

photo to post

Science information forum patungkol sa kalusugan ang pinangunahan ng National Academy of Science and Technology nitong December 9 2014 sa Hotel Jen sa Roxas Boulevard dating Traders Hotel sa lungsod ng Pasay.

Ang nasabing talakayan pang agham na naglalayong makapagbigay ng naa ayong impormasyon ukol sa kalusugan ay tumutok sa stress at dahilan rin sa ito ay stakeholders gathering ng akademya, ibat-ibang mga dalubhasa sa kani-kanilang mga disiplina sa bahagi ng agham ang dumalo.

Pinangunahan ng pangulo ng NAST dating kalihim rin ng DOST na si Academician Dr. William G. Padolina sa kanyang pambungad na pananalita na sinundan ng paglalahad ng mga layunin ng nasabing talakayan at siyang nagpakilala na rin sa tagapagsalita.

Ipinakilala ni Academician Dr. Jaime C. Montoya, focal person at tagapangulo ng Health Sciences Division ng NAST ang tagapagsalitang si Dr. Lourdes L. Ignacio, Professor Emeritus sa kolehiyo ng medisina sa Unibersidad ng Pilipinas sa Maynila.

Ang presentasyon ni Dr. Ignacio ay ukol sa topic na Stress Reduction: Is there a Scientific Basis? Ayon sa kanyang pagpapaliwanang ay maraming pinanggagalingan ng stress, mga solusyon upang maiwasang ma stress masyado at ano ang mga epekto nito sa pamumuhay ng tao.

Nagsilbing guro ng palatuntunan si Academician  Dr. Aura C. Matias miyembro ng Engineering Science and Technology Division ng NAST kasama sina NAST Executive Director Luningning Samarita-Domingo. Ang iba pang mga istorya ukol sa akademya ay matatagpuan sa AGHAM page.///Michael N. Balaguer

Samantala,

42nd ATOMIC energy week pinangunahan ng PNRI

Pinangunahan ng Philippine Nuclear Research institute, ang pangunahing ahensyang namamahala sa mga aktibidad pang enerhiyang nukleyar ng bansa na bahagi ng Department of Science and Technology. Sa kanilang ika 42 taon ay muli naglalayon ang ahensyang ipakilala ang agham atomiko sa madla sa mga sector ng medisina, enerhiya, agrikultura at industriya.

Hanggang ngayon ay kulang pa rin ang kaalaman ng masa ukol sa mga teknikalidad ng agham atomiko dahil kung mababanggit ang nukleyar ay una pa ring sumasagi sa kanilang isipan ay ang armas na nukleyar o yang mga ginagamit sa pandirigma gaya ng mga gamit ng bansang United States of America Sa kanilang military upang takutin ang mundo at maghari sila bilang super power.

Sa kabila nang napakaraming programa ng mga nagkakaisang bansa sa mundo gaya ng International Atomic Energy Agency patuloy pa rin ang mga kampanaya ng ibat-ibang cause oriented group na ip[atigil ang operasyon ng mga plantang nukleyar na nagkakaloob ng malinis na kuryente.

Sa kabila nito ay kasabay ng mga paninira ay kasunod naman ang mga pananaliksik at mga bagong pag aaral kung saan resulta nito ang mga makabuluhang paggamit ng enerhiya buhat sa atomo o nukleyar sa ating industriya, medisina, agrikultura at kalikasan.

Sa muling pagdiriwang ng atomic energy week ay binigyang halaga na muli ang pangangailangan ng bansa sa sapat, malinis at maa asahang pagkukunan ng enerhiya na bagaman di pina aandar sa ating bansa ay nakikilala naman ang Pilipinas bilang nasyon ng mga dalubhasa sa agham at disiplinang ukol dito.

Ang nasabing aktibidad ay sinaksihan ng kanilang Direktor sa Philippine Nuclear Research Institute na si Dr. Alumanda Dela Rosa kasama ang Kalihim ng Department of Science and Technology Mario G. Montejo.///Michael N. Balaguer