Sisterhood agreements ng Marilao sa tatlong mga bayan at lungsod maaring magkaroon ng positibong resulta; Edukasyon at kalinisan ng kapaligiran sa barangay lugam at maybahay ng DILG chief namigay ng tsinelas

 

tito4

“Matagal na nga yun e, tinanggal na nga namin yung mga tarpaulin kasi tapos na” ang tinutukoy ni Marilao Mayor Juanito Santiago sa panayam ng www.diaryongtagalog.net ay ang mga nakasabit na tarpaulin ukol sa nakarang Sisterhood Agreement ng bayan ng Marilao at ng Lungsod ng Makati kung saan makikita na si Mayor Santiago at si Mayor Junjun Binay ay nasa larawan at tila lumalagda ng isang kasunduan.

Ayon sa punong bayan sa pamamagitan ng kanyang personal na kamlihim na unang nakapanayam ng www.diaryongtagalog.net hindi lang Makati City ang naka sisterhood agreement ng bayan ng Marilao kundi pati Dingalan sa Aurora at ang lungsod ng Valenzuela.

Pahayag ni Mayor Santiago, maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga ganitong kasunduan ang mga local government unit head at ang pangunahing dahilan ay ang kapakanan ng kanilang mga constituents. Nabatid na ang bayan ng Marilao ay may mga pagkakaiba at pagkakapareho sa mga bayan at lungsod na nakaka sisterhood agreement nito.

Ayon kay Mayor Santiago, maaring sa hinaharap ay magkaroon ng pagtutulungan sa pagitan ng nasabing mga bayan o lungsod para sa pagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan ng bawat munisipyo o lungsod, o sa pag aaral di kaya ay sa iba pang aspeto gaya halimbawa sa disaster risk reduction management and/or adaptation.

Isang halimbawa ay parehong malimit bahain ang mga bayan ng Marilao at lungsod ng Valenzuela kung kaya maari silang magkaroon ng pagtutulungan ukol sa nasabing suliranin gayundin ay pareho silang may mataas na class bilang city at municipality kaya maari ring may mapagtulungan silang programa o proyekto sa bagay na iyon na ayon kay Santiago ay hindi pa nagaganap.

Kabilang sa mga itinuturing na next wave cities ang bayan ng Marilao at bagaman aminado silang wala pa duon na nakatayong mga information technology business process management o IT BPM gaya ng ibang mg aka sisterhood agreement nila katulad ng Makati na namumutiktik sa callcenters may malaking posibilidad rin na madala ito sa bayan ng Marilao.

Kaugnay nito ay samut-sari rin ang mga programa at proyektong may kinalaman sa kalusugan, edukasyon at hanapbuhay sa nasabing bayan at ang mga ito ay laan para sa lahat ng sector. Batay muli sa panayam ng www.diaryongtagalog.net kay Mayor Santiago, nagkakaloob sila ng mga libreng wheelchairs, mga pangkabuhayan packs at mga gamit pang start ups sa mga residenteng nais mag avail ng mga ito. Kinakalinga rin ng bayan ang mga bata sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga playgrounds, scholarships at iba pa.///Michael balaguer

michael lugam

 

Kamakailan ay nakapanayam ng www.diaryongtagalog.net ang kapitan ng isang barangay sa lungsod ng Malolos na tunay na may malasakit sa mga bata. Sa kanyang barangay sa Lugam ay malimit maging abala si Kapitan Michael Aquino kung saan sa kanyang barangay ay isinaayos niya ang mga day care centers sa kanyang barangay, mga paaralang pang elementarya at haiskul upang ang kanyang mga kabarangay ay makinabang ng husto at maging literate.

Malimit Makita sa ibat-ibang mga forum si kapitan upang makakuha ng ideya kung anong programa o proyekto ang maari niyang ilagay sa kanyang barangay upang makatulong sa kanyang mga kabarangay.

Napananatili ang kalinisan at kaayusan sa barangay na di naman gaanong naa apektuhan ng pagbaha o alinmang natural na kalamidad. Bukod sa edukasyon ng mga bata, pangkabuhayan at pangangalaga sa kapaligiran, abala rin ang pamunuan ni Aquino sa peace and order at safety ng kanyang mga kabarangay.

Nakatakdang mag avail rin sila ng virtual library ng department of science and technology o DOST ang STARBOOKs dahil nakapagtayo rin ang barangay ng aklatan para sa mga batang mag aaral.///Jane Balaguer

korina

Bulakan, Bulakan-  Kapag nabanggit ang pangalan ni Miss Korina Sanchez at Rated K ay agad pumapasok sa isip ng marami lalo na ang mga bata ay tsinelas. Sa pagdiriwang ng ika-10 Anibersaryo ng number one rated show na Rated K ay nag ikot sila dito sa Bulacan di lamang mangalap ng kuwentong longganisa kundi upang mamahagi ng tsinelas.

Isa sa napili nila puntahan ay ang bayan ng Bulakan, Bulakan at sa araw ng kapistahan ng Nuestra Senora Dela Asuncion, isa sa pinakamatanda at pinakamalaking simbahan dito sa Bulacan ay dumating si Miss Korina Sanchez upang siya mismong mamamahagi ng pares ng tsinelas. Mga mag aaral ng 12 paaralang elementarya at mga kabataang kalahok sa Drum at Lyre Band Exhibition ang nabiyayaan ng pares ng tsinelas,

Pagkatapos mamamahagi ng tsinelas ay nagtungo naman si Korina sa Pamahalaang Bayan ng Bulakan,Bulakan upang mamahagi naman ng bigas sa mga magulang ng mga batang napili nilang may sirang tsinelas sa mga eskwelahan na kanilang napuntahan para sa kanilang pag uwi ay parehong  masaya ang magulang at anak. Huli niyang pinuntahan ay ang Gen. Gregorio Del Pilar District Hospital na kung saan sya ay nagkaloob naman ng baby crib.

Sa isang panayam ay sinabi ni Korina na napi[i niya na tsinelas ang ipamahagi dahil sa karaniwan na lng na puro grocery, gamot, pabahay at edukasyon, bihira ang nakakapansin na maraming mga bata na sira-sira na ang tsinelas at di naman sila makahingi ng pambili, kaya ngyon siya na lang ang magpupuno nito. At isa pa, mura lang ito 25 pesos lng ang isang pares, kaya pag humingi siya ng donasyon para sa tsinelas ay marami talagang nagbibigay sa kanya. Nagbibigay din siya ng premyong limandaang piso sa may suot na pinakasirang tsinelas.

” Ngayong sampung taon na ang Rated K naisip ko, pakay ko na makapamigay ng isang milyong pares ng tsinelas sa buong bansa, 25 milyon din un, nahihirapan din ako pero habang tuluy-tuloy ang aking panawagan marami ang nagdodonasyon para maipamahagi sa iba. Importante na makatulong ka sa iba, sapagka’t naniniwala ako na habang tumutulong ka sa iba ay kakapitan ka ng suwerte”, dagdag pa ni Korina.

“Tulad ng maraming bansa ang Bulacan ay sadlak din sa hirap, iba ang spirit ng Bulakenyo may karakter na pagkagiting at pakikibaka, pakikibaka sa buhay na kahit paano ay nakangiti pa rin at nakatayo pa rin. Kaya naman kami ay nagpapasalamat sa mga sumusubaybay at sumusuporta at sana ay patuloy nyong subaybayan ang programang Rated K”, pagtatapos ni Korina. (AIDA RUBIO)