Magkaloob ng tulong medikal sa mga lugar na di gaanong maabot ng mga doktor, ito ang Corporate Social Responsibility project ng kumpanyang SOGO, isang kilalang hotel upang iabot ang tulong pang kalusugan kahit sa mga malalayong lugar.
Ayon kay Ms. Nicel Lavente ng SOGO Hotels, nais ng may owner ng hotel chain ang mga medical missions at gamit ang kanilang mobile bus clinic, kahit saan na magkakasya ang bus ay maari nilang serbisyuhan.
Tinatayang nasa isandaang medical missions na umano ang kanilang nai conduct ngayong taon pa lamang at ang pinakahuli nga ay kamakailan lang sa bayan ng Baliwag sa Bulacan.
Ginanap sa Baliwag star Arena ang aktibidad na dinaluhan ng local Government Unit Head Mayor Ferdie Estrella, Publishers Association of the Philippines (PAPI) President Nelson Santos, Philippine Science Journalist Mega Manila President Estrella Gallarzo mga tulong buhat sa Provincial Capitol galing kay Bulacan Governor Wilhelmino M. Sy-Alvarado sa pamamagitan ng kanyang Provincial Public Affairs Officer (PPAO) Maricel Santos-Cruz.///Michael N. Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@yahoo.co.uk
-30-
Kasabay ng taunang Singkaban Festival sa lungsod ng Malolos sa lalawigan ng Bulacan ay kaisa rin ng mga Differently Abled Person’s (DAP) si Bulacan 2nd District Congressman Gavini Pancho na tumulong sa kanila kasabay ng ginawang gift giving ng isang asosasyon ng mga patnugot at isang Hotel chain sa bayan ng Baliwag kamakailan.
300 piraso ng mga tinapay ang ipinamahagi ng mga kasamahan ng mambabatas bilang pandugtong sa mga ipinamamahagi ng regalo ng nag organisa.
Sa bahagi naman ng mga tao ay masaya silang tinanggap ang kagandahang loob ng kanilang kinatawan na laging nasa kongreso at hindi lumiliban upang asikasuhin ang kanilang kapakanan sa distrito at maging sa buong bansa.
Mga mamamahayag, opisyal at miyembro ng mga organisasyong kabilang sa nasabing aktibidad ang nakibahagi at nagsaya kasabay ng naturang makataong gawain.
Ayon sa pamunuan ng Central Luzon Media Association (CLMA) na nakibahagi rin sa naturang gawain, hindi ninais ng kinatawan ang anumang kapalit sa kanyang ginawa tama na umano na laging suporta ang mga tao sa kanya lalo sa halalan kanya rin naman umanong tutumbasan ng maayos na serbisyo ang tiwala nila.///Michael N. Balaguer, 09333816694,michaelbalaguer@diaryongtagalog.net
-30-
sa kabila ng kakaunti ang dumalo sa nakaraang misyong medikal at pamimigay nang regalo na pinagtulungan ng isang Hotel Chain at grupo ng mga patnugot, dumalo pa rin ang punong bayan ng Baliwag na si Mayor Ferdie Estrella.
Anak ng dating Punong bayan ng Baliwag ang kasalukuyang alkalde at gaya ang kanyang ama ay malapit rin ang puso niya sa mga mamamayan kaya kasabay marahil ng kanyang kaarawan na ilang araw pa lang ang lumilipas ay naitaon ng mga nag organisa ang nasabing okasyon.
Suportado naman ng buong munisipyo ang nasabing aktibidad ng Mayor at mga kasama, ibat-ibang sangay at ahensya sa munisipyo ang duon ay nagkaloob ng serbisyo sa kabila nito ay may mga nagdaratingan pang mga mamamayan na nais din na mabigyan ng serbisyong medikal lalo ang mga Differently Abled Persons na a yon sa talaan ay napakarami din sa bayan.
Bukod sa tulong ng munisipyo, ng kinatawan sa kongreso ay di rin nakalimot ang kapitolyo sa kabila ng kasabay nito ang isa sa pinakamahalagang okasyon sa kasaysayan ng lalawigan, ito ang Singkabvan Festival.///Michael N. Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net