Strawberry Farm Itatayo sa Plaridel; Atmospheric Water Generator Makabagong Teknolohiya sa Pagsasaka at Labanan sa Quingua Tagumpay ni Del Pilar


 

Plaridel, Bulacan-SA PAMAMAGITAN ng makabagong teknolohiya at sinasabing magiging kauna unahan sa Pilipinas na magtangkang patubuin sa mainit na lugar ang mga prutas o gulay na tanging sa malamig lamang nabubuhay. Isang kumpanyang lumulikha ng mga farm implements ang susubok na gamitin ang teknolohiya agricultural upang patubuin ang Strawberries sa kainitan ng Bulacan.

Nasa hangganan ng mga barangay Sto Nino at Agnaya matatagpuan ang mga greenhouses na ngayon ay nasa tatlo pa lang na enclosed ng plastic na air tight upang maging isang close environment. Teknolohiyang Atmospheric Water Generator ang paraan upang kumuha ng tubig buhat sa ambient air na hinihinga natin bilang paraan ng irigasyon sa mga itatanim na Strawberries, Black Grapes, Brocolli, Lettuce at asparagus. Ang nasabing mga gulay at prutas ay kilalang tumutubo lamang sa mga malalamig na lugar ngunit dahil sa ang mga greenhouses ay bukod sa fully air conditioner ay gumagamit nga ng Atmospheric Water Generator sa mag susunod na araw ay aabot hanggang 16 greenhouses ang itatayo hanggang magbukas ito ngayong katapusan ng Mayo.

Ayon kay Engr. Leonardo Angeles Parada ng Luntian Agribusiness Pilipinas Inc. na siayng may ari ng nasabing “modern organic agricultural complex” magiging una ito sa kasaysayan ng Pilipinas hindi lang ng Bulacan dahil ngayon pa lang magkakaroon ng isang farm na controlled environment.

Sa pahayag nina Sto. Nino Bgy Capt. Romy dela Cruz, isang napakalaking proyekto na maaring makapagbigay hanapbuhay sa kanyang mga kabarangay samantala ayon kay Agnaya Bgy Capt Juanito Tuazon ang nasabing proyekto ay magpapakilala sa kanilang barangay bilang tourist attraction dahil kung talagang mapapatubo nila ang strawberry ay maaring magkaroon ng mga festival.

Sa naging panayam kay Plaridel Mayor Jocel Vistan-Casaje, sinabi niyang suportado niya ang nasabing proyekto at nais sana niyang mai tie up ito sa kanilang environmental programs.

Sa huli, ang nasabing projekto na ayon sa kanila ay ahead of its time ay naka linya upang maiwasan umano ang global warming at paraan din ito upang ma conserve ang soil at environment, dahil hindi sa ground water kukunin ang tubig kundi sa ambient air maiiwasan ang sinkholes kaugnay ng mga progarama ring ipinatutupad ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and natural Resources Research and Development (PCAARD-DOST).(Jane Balaguer)

 

DSC02221

 

Samantala;

Plaridel, Bulacan-Isang makabagong teknolohiyang maituturing sa paraan ng pagpapatubo ng halaman sa loob ng isang self-sustaining biosphere ang ngayon ay sinusubukan sa bayan na ito kung saan matatagpuan sa pagitan ng mga barangay ng Sto Nino at Agnaya batay sa eksklusibong panayam ng www.diaryongtagalog.net sa nagmamay ari ng nasabing lugar.

Malaking industriya ang high value crops hindi lang sa bansa kundi pati sa buong daigdig dahil sulusyon ang pagtatanim nito sa malawak na suliranin sa food security kaakibat pa ng unti unting pagkaunti ng mga sakahan para taniman ng gulay kasama na ng ibang factors gaya ng kalagayan ng panahon.

Kilala ang Gitnang Luzon sa Bigas, Rice Granary of the Philippines nga ang Nueva Ecija kung saan ekta-ektaryang taniman ng palay ang halos source ng staple food ng Pinoy.

Maraming teknolohiya sa agrikultura. Sabi ng mga aghamista ay hindi lalaki ang ani at uunlad ang sektor kung walang agham na kasama sa pagsasaka, pangingisda at paghahayupan. Kung nuong panahon ng ating mga ninuno ay manu-mano ang pagtatanim, ngayon sa tulong ng industriya ng bakal ay nabuo ang mga farm implements na nagpadali sa dati ay mahirap na Gawain ng pagbubukid.

Sa panahon ng teknolohiya ay ipinanganak ang makabagong paraan ng pagtatanim, agrikulturang may agham na ginagamit ang mga bunga ng matagal na pagsasaliksik at pag aaral ng mga dalubhasang ginugol ang maraming taon upang siyasatin at linangin ang karunungang magbibigay ng masaganang ani at pag asenso sa sektor na dito sa atin ay tila pinabayaan.

Sa pag usad ng modernong pagsasaka ay patuloy ang pagsasaliksik ng mga dalubhasa upang maging tunay na natural at organiko ang magiging ani nila at sa kabila ng ibat-ibang uri ng kung ano ang tunay na depinisyon ng organiko sa kanila, sabi ng mga dalubhasa ay kung tunay umanong organiko ang bunga o ani ay kailangang magsimula ito sa lupa, tubig at ang mga pataba na kaakibat nito.

Kaugnay nito ay mas maigi kung ang taniman ay nasa controlled environment kung san naimo monitor ng maigi ang lahat ng kailangan ng pananim lalo na ang source ng tubig pang irigasyon. Sa bayan na ito, pagitan ng mga barangay ng Sto Nino at Agnaya ay matatagpuan ang  mga greenhouses ng Luntian Agribusiness Pilipinas Inc.na pag aari ni Engr. Leonardo Angeles Parada, isang negosyanteng gumagawa ng mga farm implements na may concern sa global warming at soil conservation. Ayon sa panayam ng www.diaryongtagalog.net sa kanya na makikita sa video na nasa itaas na bahagi ng unang artikulo bago sa akdang ito, sa pamamagitan ng kanyang modernong organic farm ay maari niyang times ten ang isang anihan ng high value crop buhat sa kanyang 5000 square meters na lupa.

Gamit ang makabagong Atmospheric Water Generator na likha ng Ecoleaders Inc. sa pangunguna ng kanilang Vice President for Products and Services na si Mr. Danny Baldonado, gagawin ng kanilang makina na kumuha ng tubig sa pamamagitan ng ambient air o mist, maari din na magsilbing air conditioner at dehumidifier ang nasabing makina na ilalagay sa mga greenhouses na patatakbuhin sa pamamagitan ng Solar Energy, Wind Turbine o di kaya ay Biomass Generator.

Kung ang tubig ay di manggagaling sa groundwater, o conventional surface water irrigation ay mas organic ang produkto. Ayon naman sa mga barangay captain ng Sto. Nino na si Romy dela Cruz, suportado nila ang nasabing farm lalo ng malaman nilang patutubuin nito ang strawberries na kilalang sa mga malalamig lamang na lugar tumutubo. Sa bahagi naman ng Bgy. Agnaya, ang nakita nila sa pagtatayo nito ay maaring makilala ang kanilang barangay dahil wika ni Engr. Parada ang kanyang teknolohiya ay First in the Philippines.

Sa bahagi naman ng Munisipyo ng Plaridel nang makausap ng www.diaryongtagalog.net si Mayor Jocell Vistan-Casaje, sinabi niyang suportado niya ang mga negosyanteng mag I invest sa agrikultura gaya ng kay Engr. Parada dahil bukod sa una ito sa Pilipinas ay makikilala rin ang kanyang bayan bilang sentro ng modernong agrikultura. Ngayong katapusan ng Mayo ay sinasabing magbubukas ang mga greenhouses na magtatanim ng strawberries, broccoli, asparagus, cauliflower, lettuce at black grapes. (mike balaguer)

 

DSC02236

 

Kaugnay nito,

Plaridel, Bulacan-Special Non-Working Holiday sa buong bayan na ito ang April 23 dahil ipinagdiriwang nila ang makasaysayang digmaan sa Quingua (ang dating pangalan ng bayan na ito). Kamakailan ay 115 anibersaryo na ng paggunita sa labanan na ginanap nuong abril 23, 1899 kung saan ginanap ang bakbakan ng mga puwersa ng mga mananakop na Amerikano sa pamumuno ni Col. John Stotsenberg laban sa puwersa ni Gen. Gregorio Del Pilar. Isang maituturing na tagumpay ng bayan ang digmaang ito at masasabing dapat na ipagmalaki ng bayan di lang mga taga Bgy. Agnaya, Plaridel kundi pati ng lahat ng Pilipino dahil inilampaso at pinatumba ng ating mga puwersa sa kabila ng kakaunting armas at maliit na bilang ang mga dayuhang mas maraming armas at malaking bilang.

Natigmak ng dugo ang unang sigwada ng digmaan ng Quingua dahil hindi naman sina Stotsenberg ang unang lumusob sa nasabing lugar kundi tropa ni Gen. Bell na tinalo rin nina Del Pilar. Bagaman sa huli ng kasaysayan ng digmaan ng Pilipino at Amerikano ay isa sa naging casualty ang batang heneral sa pasong Tirad, makasaysayan ang labanan ng Quingua dahil patunay ito na sa kabila ng kokonting armas at maliit na bilang ay kaya ng Pilipino na ipagtanggol ang kanyang soberenya bilang isang bansa na buo at di mahahati at handa nilang ipaglaban kontra sinumang dayuhang magtatangkang manakop hanggang sa huling patak ng kanilang dugo.

Ang dapat na ipinagdiriwang sa labanan ng Quingua ay ang tagumpay ni Del Pilar laban sa Stotsenberg at mga tropa nito na naglalayong ubusin ang pupolasyon nuon ng Quingua at kalapit na bayan, gaya ng ginawa nila Gen Arthur Mc Arthur sa Balangiga, Samar na tinaguriang “Balangiga massacre” binigyan ng order ni Gen. Jacob Smith na “Kill Everyone Over Ten”. Ika anim na bahagi ng populasyon na tinatayang 1,250,000 ang pinatay ng mga Amerikano (1898-1899) bahagi ng Unang Republika kung saan kasama sa mga pinatay  ay si Vice President  Gen. Macario Sakay.

Maraming tagumpay ang mga Pilipino laban sa mga mananakop at ayon sa archives ng Filipino-American War, maraming engkwentro ang mga Kano laban sa Pinoy na pinanalo ng Pilipino batay sa mga military historian natin sa Armed Forces Of the Philippines at isa ang Battle Of Quingua sa mga lugar na nahirapan ang mga Amerikano at ang Quingua ay nasa Bulacan na kilalang lalawigan ng mga Bayani. (mike Balaguer)

 

IMG_20140421_165154