Tela 2021@PTRI

Enero 27, 2021- unang araw ng taunang tela conference na pinangunahan ng Philippine Textile Research Institute ng Department of Science and Technology, ang isa sa mga ahensya sa ilalim ng kagawaran ng agham na nagsasaliksik hinggil sa ating mga katutubong tela.

Pinangungunahan ng kanilang Director .Celia B. Elumba na May temang “fashioning Philippine Textile for a sustainable creative economy”

Isa sa malaking bahagi ng ekonomiyang lumilikha ng trabaho at hanapbuhay ay ang industriya ng tela, kaya sa pamamagitan ng agham, teknolohiya buhat sa mga bansang maunlad ang kaparehong industriya at ng inobasyon likha ng inobatibong isipan ng Pinoy tiyak ang pag angat muli ng industriya ng tela sa pilipinas.

Samantalang binubuhos ng mga dayuhan ang mga produkto ng tela gaya ng damit sa bansa sa di hamak na murang halaga, hindi pa rin tinitigilan ng gobyerno at pribadong sektor ang pag aaral at pagsasaliksik upang ang sinaunang paraan at makabagong inobasyon ay mapag isa gamit ang inspirasyon ng kultura at tradisyon.

Kabilang rin sa mga dumalo ay si DIST Sec Fortunato T de la Pena at DOST USec Dr. Rowena Cristina Guevara.///Michael Balaguer, 09262261791, diaryongtagalog@gmail.com