Tulong ng DOST sa Visayas, relief goods kabilang ang ceramics water filters

.

DSC00174

Bicutan, Taguig City- “NAG-DONATE kami ng 150 pcs. ng ceramics water filter (nano filter technology) at may mga instructions itong nakaliwat sa ingles at tagalog para sa tamang pagamit at paglinis nito” tinuran ni DR. Blessie A. Basilia,pinuno ng Material Division ng Industrial Technology Development Institute (ITDI-DOST) at hepe ng ADMATEL.

Sa panayam ng www.diaryongtagalog.net, sa darating na unang linggo ng Disyembre ang karagdagan 10,000 pcs ng ceramics water filter na muli nilang ipahahatid sa Leyte para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Tiyak na mapupuksa ang mga micro organism ng ceramic water filter na gawa sa 100% local red clay na sa unang tingin ay mukhang ordinaryong palayok lamang ngunit maituturing na hi-tech dahil sa component nitong nano anti- microbial agent na naka embed sa filters nito.

Sinasala nito ang tubig at epektibo sa pag treat lalo na ng deep well water at yung mga suspended solid na makapag de declog sa ibang uri ng water filter upang maging portable water na ligtas ng inumin ng mga tao.

Libreng din ang serbisyo ng Air21 na pinagsakyan ng mga gamit na dadalhin sa Visayas na mula sa Kagawaran ng Agham at Teknolohiya. (mary jane o. balaguer)