Aksyon agad ang PCSO, hindi kailangan ng PR; Updates sa E-STL inihayag ng PCSO GM at Tanggapan ng PCSO kailangan sa Tacurong SK

 

 

 

 

 

 

 

 

Aksyon agad ang PCSO, hindi kailangan ng PR

Pagkatapos marinig ang insidente ng pang- hohostage ng isang guwardiya nitong miyerkules ng umaga sa Eton Centris Mall, Lungsod ng Quezon.  Dahilan sa problemang pinansyal sa anak na inopera sa isang ospital. Agad na  tumugon ang Philippine Charity Sweeptakes Office ( PCSO)  sa panguguna ni General Manager Alexander Balutan na inatasan  ang kawani nitong makipag ugnayan sa Quezon City Police District (QCPD) para matulungan ang bata.

Kinilala ng awtoridad ang nakainom na off duty guard na si Hermigildo Marsula Jr. na naninirahan sa San Jose Del Monte, Bulacan mula sa Grandiose Security and Services Corp. “The PCSO is one with the government in fulfilling the dream of President Rodrigo Roa Duterte that no one will die due to sickness because they don’t have money to pay for hospitalization,” ayon kay Balutan.

Tiniyak rin ni PCSO Chairman Jose Jorge Corpuz na tutulong ang ahensiya sa pamilya Marsula sa bayarin sa operasyon ng bata. Sa kasalukuyan may 57 PCSO branch sa iba’t ibang bahagi ng bansa na maaring pagsumitihan ng mga kaukulang dokumento sa pangangailangan pinansiyal o medikal. ( Mj Olvina- Balaguer)

 ————————————————————-

Updates sa E-STL inihayag ng PCSO GM

Mandaluyong City, PILIPINAS-INIHAYAG ni Philippine Charity Sweepstakes concurrent Vice Chairman and General Manager Alexander F. Balutan ang kasalukuyang kalagayan ng pinakabagong produkto ng ahensya, ang Expanded Small town Lottery sa isang pulong balitaan na ginanap sa lungsod na ito kamakailan.

Ayon kay Balutan sapat na ang bilang ng mga nag apply ngayong taon na mga Authorized Agent Corporation at sasapat na ito para I cover halos buong bansa samantalang hindi pa inilalabas ang mga pangalan ng nasabing mga AAc’s dahil hindi pa sila gaanong nakapagko comply sa mga requirements.

Nabatid na mula sa unang 56 na nadagdagan ng 36 ay 92 na ngayon ang mga AAC’s at kumita ng 3.88 Billion ngayon ang STL mataas ng 135.26% kumpara nuong nakaraang taon.

Panalo ang mamamayan dito dagdag pa ng PCSO dahil ang mga kinita ng ahensya ay laan para sa mga medical assistance at pagtulong sa mga LGU sa pamamamagitan ng mga pagkakaloob ng mga mbulansya at health assistance sa mga mahihirap.

Muli na namang itinuwid ng PCSO na hindi sila sugal bagkus ay isang charity institution na may produktong loterya sagot sa pagbanat kamakailan ng simbahang katoliko sa kasagsagan ng insidente sa isang casino kamakailan.

Napagalaman din na sa kasalukyang nagaganap na pag I impose ng Batas Militar sa Mindanao dahilan sa ginawa ng mga terorista ay unang ikinonsidera ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte si GM Alexander F. Balutan bilang Martial law Administrator dahil sa kanyang mahabang karanasan bilang Marine Commander sa Mindanao sa loob ng 20 taon at 2 taon siya sa Marawi City.

Pagkaraan ng nasabing pulong balitaan ay nakatakdang magpadala ng mga bottled water at gamot ang PCSO sa Marawi City. Kasama sa resource speaker sa nasabing pulong balitaan ay si Dr. Larry Cedro, ang Assistant General Manager for Charity ng PCSO.///Michael N. Balaguer


Tanggapan ng PCSO kailangan sa Tacurong SK

 Hiniling ni Mayor Lina O.  Montilla, ng Lungsod ng Tacurong, Sultan Kudarat  na tanggapan na magkaroon ng opisina ang Philippine Charity Sweeptakes Office ( PCSO).

Sa ginawang Pulong Balitaan ni GM Alexander F. Balutan at Dr. Larry R. Cedro nitong nakaraan Hunyo 9, 2017 sa isang hotel sa Mandaluyong ay positibo ang sagot ni GM.

” Nakaline up na po ang plano magkaroon tayo opisina sa Tarong City inaantay na lamang po natin makasama ito sa budget” ayon kay Balutan.

Kasalukuyang mayroon 57 sangay ang PCSO, at nakahanay na dito na nagkaroon PCSO branch sa Tacurong, bagamat mayroon rin 86 na ASAP Desks sa buong bansa na ang iba ay makikita sa mga pampublikong ospital na ang mga mamayan ay maaring mag file ng tulong medikal.

Sa pakikipanayam ng www.diaryongtagalog.net sa tanggapan ni Mayor Montilla sinabi ng alkalde na may ino-

offer silang libreng lugar na walang babayaran ang PCSO. At ang PCSO na ang bahalang maglagay ng tubig at kuryente. Kasama rin ang City Planning Development Officer na si Amelia A. Bochorno.

City of Goodwill ang Tacurong. Libreng blood chem para sa senior citizen at  new born screening ( nbs) sa mga bata. 30% ng mag aaral ng elementarya at haiskul ay mula sa karating bayan nito. Pati 7 Mayors sa karatig bayan nito at isang Gobernador ay nanirahan din sa Tacurong.

Ang Tacurong ay hango sa salitang ” talakudong” na salitang  illongo tumutukoy sa anumang bagay na saklop na ulo o sombrero. Tuwing ika 18 ng Setyembre nagdiriwang ng talakudong festival  o ang festival of hats.

Samantalang, plano din ng PCSO ang bumili ng multi- purpose ambulance para matugunan ang pangangailangan ng mga tao nanirahan sa mga bulubundukin lugar. Ang 4×4 na ambulansya ay nagkakahalagang 3 milyon piso kada isa. ( MJ Olvina- Balaguer)