USec. FDP ng DOST, Dangal ng Bulacan Foundation President

Quezon City, Metro Manila-Kinabibilangan ng mga binigyang parangal sa “Gawad Dangal ng Lipi”, isang prestihiyosong award-giving-body na iginagawad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang karamihan sa miyembro ng Dangal ng Bulacan Foundation.

Kasalukuyang Pangulo ng nasabing foundation si Department of Science and Technology (DOST) Under Secretary at University of the Philippines, Diliman Professor Fortnato Dela Pena. Itinatag nuong 2003, ang layunin ng foundation ay makapagbigay tulong sa mga Bulakenyo sa ibat-ibang kaparaanan batay na rin sa mga sektor na kinabibilangan ng mga miyembro nitong buhat sa acadeya, pulitika, negosyo atbp.

Pangatlong pangulo ng foundation si USec. Dela Pena, ayon sa panayam ng www.diaryongtagalog.net sa kanya, binanggit niyang 4E’s ang kanilang programa na pangunahing tinututukan ngayon sa kanyang pamumuno. Ang mga ito ay ang tungkol sa Education, Entrepreneurship, Eco-Tourism at Environmental Protection.

Sa bahagi ng Education: bilang propesor, mahalaga ang edukasyon kay USec. dela Pena, bahagi pa rin ng panayam sa kanya, binanggit niyang may mga scholarship silang ibinibigay sa mga mag aaral na kanilang napili buhat sa mga mahihirap na pamilya, kinukuha nila ang mga magaaral na karapat-dapat kahit di gaanong mataas ang marka, sinasagot ng foundation ang tuition fee sa napipiling state university ng estudyante.

Sa Entrepreneurship: nitong February 8, 2014 ay nagpa seminar ang foundation ukol sa taxation na pinangunahan ni Dr. Estelita Aguirre, dating nasa Bureau of Internal Revenue at ginanap ito sa University of the Philippines Diliman, National Engineering Center. Dinaluhan ito ng mga miyembro ng foundation na mga negosyante kasama ang kanilang mga kawani na nag aral ukol sa taxation. Dahil kabilang si Prof. Dela Pena sa DOST, ilang teknolohiya ng kagawaran ang maaring maibahagi niya sa mga nagnanais mag negosyo, mga miyembro at mga nais maging miyembro ng foundation.

Sa Ecological-Tourism: bahagi ng layunin ng foundation ay ang ipagmalaki ang Bulacan. Bahagi ng mayamang kasaysayan ng lalawigan ay ang mga lumang bahay at istrukturang pre-colonial at colonial kung tawagin ay mga ancestral houses at heritage sites. Pagsasagawa ng mga tours sa mga ito na matatagpuan sa ibat-ibang bahagi ng lalawigan kasama ang mga mag aaral at local at dayuhang turista ang ilan sa programa ng foundation.

Kabalikat ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA), National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa pagre restore, pag aalaga at pagpo promote ng mga heritage sites sa Bulacan.

Pagdating sa pangalalaga ng kapaligiran o Environmental Protection: Kabalikat ng foundation ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ang mga ahensya sa ilalim ng DOST na may kaugnayan sa pangangalaga sa kalikasan particular ang tungkol sa Angat Reservoir, Angat Dam at natural resources ng lalawigan na kailangang protektahan. (mike balaguer)