VENUE OF EXAMS PARA SA DOST SCHOLARSHIP BINISITA NI SEC BOY
BUMISITA SI Secretary Fortunato T. dela Pena sa Examination Venue ng mga nagnanais kumuha ng scholarship sa DOST na ginanap sa Luna Central School, Luna Apayao, malapit sa venue ng RSTW CAR kasama si DOST CAR Regional Director Dr. Nancy Bantog.
Nahati sa dalawang shif ang exams na ayon mismo kay Sec. dela Pena ay ang pinakamahirap na exam na alam niya. 77 mga junior high school students ang nag exam sa umaga at 81 sa hapon.
Karamihan sa mga nag e exams para makakuha ng scholarships sa DOST SEI ay pawing mga nasa STEM track ng DEp Ed o Science Technology Engineering and Mathematics nguinit nitong mga nakaraang panahon ayon kay dela Pena ay marami ang pumapasa na hindi nasa STEM track.
Napakahalaga na magkaroon ng mg scholars na magtutuloy sa pagasa ng pamahalaan na punan ang kakulangn sa mga guro na magtuturo ng agham, teknolohiya at engineering sa tamang paraan.
Ang hakbang ng kagawaran ng agham na ikalat sa halos buong bansa ang mga campus ng Philippine Science High School at ang mga iskolar ng DOST para sa hinaharap ay tuluyang mapunan ang kasakukuyang kakulangan sa mga siyentista at dalubhasa dahil ang agham ay ang tunay na daan sa pag unlad ng isang bansa.//Michaelbalaguer, michaelbalaguer@yahoo.co.uk 09333816694