Visionary award for medical research, magsaysay future engineers awardat international published paper awards iginawad ng NAST

DSC00361DSC00374DSC00384

Pasay City, Pilipinas- Binigyang parangal ng National Academy of Science and Technology (NAST) ang ilang katangi tanging indibidwal at grupo na nagbigay ng di karaniwang karangalan at dedikasyon upang isulong ang agham at teknolohiya, ginanap sa lungsod na ito kamakailan.

DSC00365DSC00363DSC00362

Binigyang parangal si Dr. Nelia Cortez-Maramba ng University of the Philippines Manila sa Visionary Award for Medical Research para sa kanyang mga nai ambag sa toxicology. Magkasamang nagbigay ng parangal kay Dr. Maramba ay sina DOST Usec. Fortunato Dela Pena at NAST President Dr. William Padolina. Binigyang parangal rin ang dalawang kabataang enhinyero sa Magsaysay Future Engineers award kung saan kabilang sa naggawad ng parangal kina: Ken Russel Go at Ryo M. Toyoda ay si Former Senator Ramon Magsaysay Jr. ang kanilang mga nilikha ay napapanahon ayon kay Magsaysay sa kanyang maikling talumpati dahil tumutok ang dalawa sa mga suliranin ng agrikultura at kapaligiran habang sina Dr. Maramba ay nakatutok naman sa medisina at kalusugan.

DSC00369DSC00375DSC00381

Kaugnay nito ay binigyan rin ng parangal ang mga research and development institute ng DOST sa kanilang mga nai publish na pagsasaliksik o international published research. Kabilang sa mga ginawaran ng parangal ay ang Industrial Technology Development Institute (ITDI), Food and Nutrition Research Institute (FNRI), Forest Product Research and Development Institute (FPRDI) at ang Philippine Nuclear Research Institute (PNRI).(mike Balaguer)

DSC00385

Leave a Reply

Your email address will not be published.