Amyenda sa Fisheries Code ng Pilipinas-BFAR; Walang Tatamaang Istruktura- NGCP at Kaugnay sa Bonus Inihatid ng Jobstreet

ngcp

 

WALANG TATAMAANG ISTRUKTURA SA SAN JOSE-QUEZON PROJECT- NGCP

QUEZON CITY, PILIPINAS-Walang tatamaang mataas at nananatili nang datihang istruktura o maging ginagawa pa lamang sa itatayong proyekto ng National Grid Corporation (NGCP) sa San Jose-Quezon Project. Ito ang tahasang sinabi ni Ronald C. Santiago, Head ng Bulacan and Rizal Operation and Maintenance sa Isinagawang seminar at pulong balitaan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Hindi rin ang naibabalitang gagawing condominium sa cloverleaf dadaan ang linya ng NGCP kundi sa likod ng MERALCO office kung saan puro mga informal settlers ang naninirahan na ayon sa kanila ay hirap din silang mapaki usapang iwasan ang right of way ng linya.

Kabilang rin sa intensyon nng nasabing aktibidad ay ang pagbibigay ng tamang impormasyon sa mga opisyales ng pamahalaang lokal sa mga lalawigang kanilang nasasakupan partikular sa mga lalawigan ng Bulacan at Rizal gayundin ang tamang detalye para sa mga mamamahayag na magbibigay ng balita sa madla.

Innap sa Hive Hotels and Convention Center sa lungsod Quezon ang kanilang aktibidad na pinangunahan nina Ernest Lorenz B. Vidal, Corporate Communications Officer para sa Central Luzon, Engr. Leo E. Bugarin ang Grid Shift Head sa Luzon Control Center, Ronaldo C. Santiago ang Head ng Bulacan Rizal Operations and Maintenance, Joey E. Teope ang Section Head ng Projects Acceptability and Right of way para sa South Luzon na nagsalita ukol sa kanilang mga proyekto sa lalawigan ng Bulacan na humihiling na ipakilala ang NGCP sa Bulacan dahil wika niya ay kakilala sila bilang bahagi ng NAPOCOR.

Dahilan kaya nagkakaroon ng mga proyekto ay para tapatan ang pangangailangan sa enerhiya ng lumalaking populasyon at magkaroon ng kalidad ang kuryenteng ginagamit ng industriya at residensyal. at Nelson S. Bautista na Head ng Corporate Communications. Sa unang bahagi ay ipinakilala sa mga nakibahagi ang trabaho at mga programa ng NGCP sa pangunguna ni Mr. Vidal kasunod ang trabaho ng system operator sa paghahatid ni Engr. Leo Bugarin.

Ang sector ng enerhiya sa bansa ay nahahati sa tatlo, ang mga ito ay ang power generators gaya ng mga power plants, sa Bulacan ay ang Angat Dam, ang kasunod ay ang mga transmission corporation gaya ng NGCP at huli ay ang mga distribution operators gaya ng MERALCO.///Michael Balaguer

 

bfar1

 

PHILIPPINE FISHERIES CODE AMMENDMENT PABOR SA MANGINGISDA;

MANILA, PILIPINAS-“We are a Maritime Nation so let’s act like one” pahayag ni DA USec. Asis Perez, ang overall Executive Director ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng Department of Agriculture, halaw sa kanyang maikling pananalita bago ang presentasyon ng inamyendahang batas pangisdaan.

Pabor sa mangingisda ang batas na nag amyenda sa Philippine Fisheries Code of 1998 o RA 8550 o ang Republic Act 10654, sa pagpapaliwanang ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng Department of Agriculture sa ginanap na pagpupulong kasama ang mga mamamahayag ng Luzon, Visayas, Mindanao at Metro Manila nitong Ika 27 ng Oktubre, 2015 sa City Garden Suites Ermita sa lungsod na ito.

Layunin ng batas na maging sustainable ang industriya ng pangisdaan sa bansa at tuluyang wakasan ang iligal na pangingsda o ang walang habas na pangingisda sa laha ng uring laman dagat tungo sa tuluyang proteksyon ng kabuhayan ng mga mangingisda at ng kalikasan na rin maging sa bukas na karagatan o mga ilog at lawa.

Hindi papatayin ng batas ang kabuhayan ng mga mangingisda kaugnay nito ay magiging istrikto ang btas sa mga pachers sa ating mga nasasakupng katubigan gaya ng sa West Philipine Sea na alam ng lahat na napakaraming ninanakaw na giant clamps at mga isdang endemic sa bansa.

Rehabilitasyon ng mga municipal waters at mga marine protected areas para hindi na lumayo nang matagal ang mga maningisda sa open sea. “1.4 million ang maliliit na fishing vessels at  ang violations nila ay maliliit rin” yon kay DA USec. Asis Perez, Overall Executive Director ng BFAR.

Number 4 ang Pilipinas sa Ship-building in the world in terms of volume kaya ang mga gumagawa ng barko sa bansa ay local, panahon n rin upan mabigyan ng pagkakataon na mga lokal na ship builders na gumawa nang barkong gagamitin ng gobyerno.

36 thousand kilometers of coastline ang Pilipinas kaya hindi lahat nababantayan ang ating coastline at lalo ang territorial waters pero di naman pinababayaan. Ang ultimate outcome dapat ng pag amyenda ng batas ay ang pag angat nang kabuhyan ng maliliit na managingisda n siyan pinaka mahihirap ang buhay ngayon.///Michael Balaguer

jobstreet2

 

KAUGNAY sa BONUS ng mga kawani

Makati City, Pilipinas-Kamakailan ay ginanap ang isang pulong balitaan na pinangunahan ng nangungunang job website sa bansa, ang jobstreet.com kung saan ipinakita nila sa madla at sa mga dumalong mamamahayag ang resula nang kanilang paga aaral ukol sa pananaw ng mga kawani at employer sa bonus.

Nitong mga nakaraang panahon, ang mga nakatatanggap lamang ng mga bonuses ay mga kawaning nasa mga matataas na posisyon sa kanilang pinapasukang kumpanya maging ito man ay pribado o pampubiko.

Dahil sa nasa batas ang 13th month pay at mid year bonuses ng ibang kumpanyang pampribado, dumami na sa ating mga kawani ang nagkaroon ng mga bonuss ngunit nananatili pa ring ang malaking bilang ng mga manggagawa ay hindi nakatatanggap ng mga katulad na mga prebilehiyo.

Sa tinurang pag aral nang nasabing website ay kanilang ipinababatid ang kahalagahan ng bonuses at kung bakit masasabing ito ay isang barometro para malaman kung aalis ba sa trabaho ang isang nabigyang kawani o ang mga kawaning dapat tanggapin ng isang employer habang ng a apply pa lang ito sa katanungan habang iniinterbyu.

Kabilang sa mga nakibahagi buhat sa jobstreet.com ay ang kanilang Marketing Manager na si Maria Roselyn G. Ombao na siyang nagpaliwanag ukol sa nasabing topic. ng nasabing aktibidad o paglulunsad ay ang ikatlong aktibidad ng website na kanilang inilunsad kasama ang mga mamamahaya buhat sa telebisyon, pahayagan, radyo at online///Michael. N. Balaguer