World Cancer Day Ginunita MCM, PCMC at Sanofi Espoir Foundation sa Stage Play; Kakulangan sa Healthcare Professionals Lumalala at Kaalaman ukol sa Diabetes Isinusulong sa PCP Health Forum.

DSC01104

si NARS partylist representative Leah S. Paquiz, RN, MPH, MAN, EdD.

Quezon City, Pilipinas-ISA sa mga layunin ng kasalukuyang administrasyon particular ng kagawaran ng kalusugan sa pangunguna ni DOH Sec. Dr. Enrique Ona na matugunan ang suliranin ukol sa kakulangan ng mga healthcare professionals lalo ng mga nurses, doctors at midwives lalo sa mga kanayunan.

Sa ginanap na pulong balitaan ukol sa kalusugan o health forum na pinangunahan ng Philippine College of Physicians sa lungsod Quezon, kanilang tinalakay ang kakulangan ng ating bayan sa mga healthcare professionals.

DSC01103

Sabi ng mga doctor na nagpresenta ng kanilang Power point presentations, maraming mga bayan sa bansa ang wala o kulang sa mga doctor, nurses at midwives. Dahil daw sa devolve ang health sector, ang LGU ang nagha hire ng mga tao, kaya gustuhin lang din ng DOH na maghire ay di nito magawa dahil sa devolution ng health sector.

Sa sektor ng agham, nitong nakaraang e-health summit na pinangunahan din ng DOST, ginagamit nila ang makabagong teknolohiya sa komunikasyon o Information Communication Technology  para marating ang mga malalayong bayan upang matugunan ang kakulangan sa healthcare professionals.

DSC01105

Mag a assist ang mga Rural Health Worker sa rural health unit katulong ang makinarya ng DOST sa kalusugan upang tuluyang maibsan o mabawasan ang kakulangan sa tao ng sektor medisina sa bansa.

SAMANTALA, kamakailan ay ginunita ng bansa ang World Cancer day at ginawa nila ito sa pamamagitan ng isang stage play na may titulong “Munting Saranggola” sa Philippine Educational Theatre Association (PETA) Theatre.

Ang nasabing pagtatanghal ay kapwa pinagtulungan ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) sa pangunguna ng kanilang Medical Director na si Dr. Julius Lecciones na makikita sa video ang kanyang mga pahayag ukol sa mga batang may cancer.

Kabilang rin sa mga nakibahagi ang Sanofi Espoir Foundation, ang Department of Health (DOH) at ang Philippine Educational Theatre Association (PETA) at iba pang mga advocates ng pagtulong sa mga batang may cancer kaakibat ang My Child Matters. Ilan sa mga naging panauhin sa nasabing aktibidad ay sina Melvin E. Lee, Stage Director ng Munting Saranggola; Dr. Anna Melissa Guerrero, OIC Program Director NCPAM; Dr. Julius A. Lecciones, PCMC Executive Director, Country Coordinator ng My Child Matters; Dr. Rosalina P. Anastacio, President PSPH, Mrs. Meriam Estoy at Atty. Darwin Mariano ng Sanofi.

Maraming mga bata ang nagkakaroon ng cancer at maraming mga misconception nito na dapat malinawan ng marami. may mga bata na di agad na diagnose kaya nang dumating sa mga pagamutan ay malala na at malapit nang mamatay, may ilan naman na naa agapan.

DSC00022

KAUGNAY nito ay isang lumalalang karamdaman rin sa ating bansa ang diabetes kaya nga ang mga organisasyon ng mga manggagamot sa pangunguna ng Philippine College of Physicians ay nagsasagawa ng samut-saring information dissemination upang magkaroon ng tamang kaalaman ang mga mamamayan ukol sa sakit na ito.

nitong nakaraang taon hanggang sa mga unang buwan ng kasalukuyang taon ay patuloy ang mga doktor at iba pang advocacy groups sa pagbibigay ng mga awareness campaign sa publiko ukol sa sakit na diabetes at kung paano nito pinapatay ang mga mamamayan, pati na rin ng mga paraan upang maiwasan ito o mapanatiling malusog ang katawan kahit may ganito nang karamdaman. (mike balaguer)

DSC00032