WORLDBEX DAAN SA EPEKTIBONG SEKTOR KONSTRUKSYON
Halos isang libong mga eksibitor ang nagpresenta ng kanilang teknolohiya at inobasyon na may kinalaman sa architecture, konstruksyon, interior design at iba pang kaugnay na disiplina ng enhinyeryang sibil nitong nakaraang worldbex 2024 na ginanap sa MOA SMX.
Ibat-ibang mga kumpanya na tinatayang humigit kumulang nasa isanlibo ang nakibahagi sa nasabing eksibit kasama ang ilang mga nasa sektor ng inheinyeryang sibilat interior decoration pati ang mga arkitekto gaya ng bantog na urban planner Arch. Felino Palafox Jr. na ipinamalas ang ibang-ibang disenyong kanyang ginawa.
May mga miyembro din ng diplomatic corps o ang mga embahador mula sa Association of South east Asian Nations (ASEAN) gaya ng Malaysia sa pangunguna ni H E Ambassador Dato Abdul Malik Melvin Castelino Bin Anthony at kanyang contingent mula sa embassy ng malaysia dito sa bansa.
Isa rin sa mga embahador na nakita sa nasabing okasyon ay si H E Tull Traisorat ng Kingdom of Thailand at ang kanyang mga kasama buhat sa Thailand Embassy. Ang mga eksibitor sa nasabing aksibit ay hindi lamang buhat sa bansa kundi marami ring dayuhan mula sa China atbp.///Michael Balaguer, 09262261791, michaelbalaguer@yahoo.co.uk
-30-
MGA OBRA SA ALLIANCE FRANCAISE MANILLE
Ang sining biswal ay karaniwang nagsasalamin sa lipunan, nakikita dito ang emosyon ng may likha ng obra at ang kanyang mga saloobin pati ang kanyang mga pananaw pampulitikal. Dito bantog ang bansang France dahil ang kanilang appreciation sa mga sining ay ganoon kataas.
Ang paaralang nagtuturo ng kulturang pranses at lenggwahe nito na matatagpuan sa lungsod ng Makati, ang Alliance Francaise Manille ay isa sa mga paaralang bukod sa nagtuturo ng kulturang pranses ay nag aanyaya din ng mga alagad ng sining na mag eksibit sa kanilang lugar. ///Michael Balaguer,09262261791, michaelbalaguer@yahoo.co.uk
-30-
PARAVOX BAGONG ONLINE GAME NA KAGIGILIWAN
Isang online game ang pihadong kagigiliwan ng ating mga online gamers na kasama sa ating e-sport sa bansa, ito ang Paravox at ito ay narito na sa bansa ngayon kasama ng kaniyang mga game developers na buhat sa bansang hapon.
siguradong magugustuhan ng mga gamers ang paravox dahil hindi naman ito nalalayo sa mga nilalaro nila ngayon gaya ng COC o Clash Of Clans at Mobile Legends at katulad ng dalawang mga larong ito ay maari din itong laruin ng lahat ng edad o walang pinipiling edad kahit buong pamilya ngunit naka concentrate ngayon ito sa nag sisimulang larangan ng e-sport kung saan malaki ang potensyal ng ating bansa o ng ating mga manlalaro na umangat.
kung ang Pilipinas ay ang sinasabing text capital ng mundo, sa kasalukuyang maraming tumatangkilik at naglalaro ng mga online game gaya ng mobile legends tiyak na pag lumawak na ang naabot ng Paravox ay magiging online sensation na ito sa mga manlalarong pinoy.
bukod sa mga mamamahayag na dumalo at nagkober sa kanilang paglulunsad ay naroon rin at nakibahagi ang ilan sa mga kilalang online gamer gaya ni Myrtle Sarroza na isa ring artista sa telebisyon.///Michael Balaguer, 09262261791, michaelbalaguer@yahoo.co.uk