KILALANG masugid na tagasuporta nang Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang negosyanteng si Yusoph Mando. Sa mga nakaraang mahahalagang isyu tungkol sa Bangsamoro at kalagayan nang pamumuhay ng mga Muslim na may kinalaman sa Pangulo ay agad niyang sinusuportahan.
Ipinagtatanggol rin niya ang Pangulo sa mga bumabatikos dito lalo sa mga isyung may kinalaman sa iligal na droga, extra judicial killings at pederalsimo. Nitong nakaraang 18 hanggang 19 ng Enero, 2018 ay sinuportahan naman niya sa pamamagitan ng pagdalo ang ginaganap na World Halal Assembly Philippines kung saan nagtipon-tipon ang mga dalubhasa sa Halal industry sa bansa upang ibahagi ang kanilang mga kaalaman at matuto rin sa mga lokal na paraan na ginagawa na nang mga kapatiran sa Islam dito sa Pilipinas.
Pinangunahan ito ng Department of Science and Technology Regional Office 12 sa pamumuno ng kanilang Director na si Dr. Zenaida Hadja Shayma P. Hadji Raof-Laidan. Si Mando ay isang matagumpay na negosyante at isa sa kanyang negosyo ay ang food business kaya interesado siya sa nasabing pagtitipon na malimit niyang daluhan. Ang kanyang restaurant na May Malaysian Inspired cuisine ay matatagpuan malapit sa Quiapo Masjid ang “Pamanganan” kung saan 100% Halal ang mga niluluto at inihahanda at inihahang pagkain kaya naman paboritong venue ito ng mga pagpupulong at pagkikita-kita ng mga kapatiran sa Islam maging ng mga hindi Muslim na nais kumain ng Halal na pagkain.
Inaasahan ni Mando na makakuha ng mga bagong kaalaman sa dinaluhang aktibidad upang kanyang magamit para sa kanyang negosyo at makadaupam palad ang ilang mga dalubhasang taga ibayong dagat na may malawak at malalim na karunungan pagdating sa usapin ng Halal. Ibat-ibang grupong Muslim, Non Government Organizations, Peoples Organizations, Coordinating Council officers ang dumalo kasama ng ilang Muslim leaders na nasa gobyerno. Nakapanayam ng www.diaryongtagalog.net si Mando unang araw ng WHAP. Si Brother Yusoph Mando ay isang matagumapy na negosyanteng Yakan.///Abdul Malik Bin Ismail, 09333816694, abdulmalikbinismail6875@gmail.com